Ashley mabilisan ang paghahanda para sa pagsusuot ng 2-piece sa 'Hearts On Ice'; kinilig at gwapung-gwapo kay Xian | Bandera

Ashley mabilisan ang paghahanda para sa pagsusuot ng 2-piece sa ‘Hearts On Ice’; kinilig at gwapung-gwapo kay Xian

Ervin Santiago |March 21,2023
facebook
share this

Ashley mabilisan ang paghahanda para sa pagsusuot ng 2-piece sa ‘Hearts On Ice’; kinilig at gwapung-gwapo kay Xian

Ervin Santiago - March 21, 2023 - 06:50 AM

Ashley mabilisan ang paghahanda para sa pagsusuot ng 2-piece sa 'Hearts On Ice'; gwapung-gwapo kay Xian

Xian Lim at Ashley Ortega

SA kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood ang Kapuso actress at bagong leading lady ni Xian Lim na si Ashley Ortega na naka-two-piece.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Napapayag ang dalaga na magpakita ng kaunting “skin” sa  pinakabago at pinag-uusapan ngayong GMA series na “Hearts On Ice”.

“Hindi ko rin alam na meron palang pa-two piece. Kaya parang biglaan din yung diet ko,” ang pahayag ni Ashley.

“Pero kanina…ang tagal pala ng exposure ng pa-two piece ni Ponggay,” ang natatawang chika pa ng aktres na ang tinutukoy ay ang karakter niya sa “Hearts On Ice.”

“So, first time po, first time na may pa-daring na ganu’n,” aniya pa.

Hindi naman daw nahirapan ang direktor ng serye na si Dominic Zapata na kumbinsihin si Ashley na mag-two-piece swimsuit para sa  ilang mga eksena.

Sey ni Direk Dominic, “Siya nga may dala nu’n, e!” Na ang tinutukoy ay ang isinuot ni Ashley na swimsuit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)


Natatawang hirit naman ni Ashley, “Oo! Saka pinag-usapan naman beforehand kung anong klaseng swimsuit yung isusuot and binigyan din naman ako ng heads up.

“Game rin naman ako kasi, siyempre, I’ve been in the industry for so long, saka para di ba, may maturity na rin,” sey ng dalaga.

Tungkol naman sa unang pagbibida niya sa “Hearts On Ice” kung saan gumaganap siya bilang figure ice skater, “Nandu’n rin yung pressure sa akin kasi, siyempre, ang taas ng expectations ng mga tao and sinasabi ko rin kay direk na kinakabahan ako, na airing na.

“Pero he will always tell me na, ‘I got your back, you did a good job.’ So dasal lang,” pahayag ni Ashley na isa talagang professional figure skater.

Meron nang 80 medalya ang aktres na nakuha niya sa iba’t ibang kumpetisyon dito sa Pilipinas, Thailand, China, Japan, Malaysia at iba pa.

Sa lahat ng nakuha niyang medalya ang pinakamahalaga raw sa kanya ay napanalunan niya sa Thailand, “Because that was the first country na I competed abroad at saka yung sa Thailand, iyon yung parang pinakamagandang medal na nakuha ko.

“And then memorable din sa akin yung nag-compete ako sa Malaysia kasi parang I brought home eight gold medals that time,” sabi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)


Kumusta naman si Xian bilang leading man? “Naku! Ha-hahaha! Actually nu’ng nalaman kong si Xian Lim yung partner ko, medyo nag-fangirl ako.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega dedma sa malilisyosang haters: ‘Alam namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalaghan’

“Hindi ko na lang pinahalata sa iyo (Xian). Kasi hindi pa ako artista noon, napapanood ko na siya. Oo! Tapos nalaman ko siya yung leading man ko, kinilig din ako.

“And then I got to meet him in person, he’s very approachable. Tapos ang guwapo niya, ang guwapu-guwapo ni Xian kapag kaeksena ko siya. Very charming and he’s super friendly.

“Actually, we created a bond, iba kasi yung environment ng sa set tapos it’s a different environment also kapag nagte-training kami sa skating rink ‘coz it feels like work.

“So it’s more of we really became friends off-cam na hindi yung showbiz-showbiz lang. Because iba yung environment namin sa skating, nagiging friends niya rin yung ibang mga figure skater, so talagang outside world of showbiz,” sabi pa ni Ashley.

Dagdag pa niya, “And ayan very open, humihingi rin ako ng mga life advice sa kanya kasi alam niyo naman magaling iyan, e, may podcast iyan about life, di ba, saka yun nga POV (point of view) of a guy.

“So ang dami naming mga tsika. So talagang ang saya niya katrabaho. And I really, eto, wala itong eme, I really hope na makatrabaho ko ulit siya,” aniya pa.

Xian Lim, Ashley Ortega hindi niloloko si Kim Chiu: Trabaho lang, walang personalan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending