Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako! Bandera

Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!

Reggee Bonoan |January 17,2022
share this

Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!

Reggee Bonoan - January 17, 2022 - 07:19 PM

Andrea Brillantes at Francine Diaz

NILINAW ni Francine Diaz na wala siyang karelasyon ngayon base na rin sa naging pahayag niya sa vlog ni Jake Ejercito na in-upload sa YouTube nitong Enero 15.

May titulong “Game of Phones”, natanong ni Jake ang young actress kung sino ang huling nak-Facetime niya. Sabi ng aktor, ang anak na si Ellie ang last na naka-Facetime samantalang si Francine ay ang kaibigang si Ashley Diaz.

“Si Ashley, ‘wag kayong palilinlang with tatlong hearts pero si Ashley ‘yan. Tawagan ko po, gusto n’yo?” sambit ni Francine para maniwala sa kanya.

Dagdag pa, “Kasi maraming nag-a-assume na ‘tong tatlong heart na ito ay boyfriend ko, pero si Ashley ito.”

At mukhang hindi naniniwala ang mga nagtanong kaya ipinagdiinan ng aktres, “Si Ashley ‘to guys, promise.”

Hindi naman sinasagot ni Ashley ang tawag ni Francine kaya akala nga ay hindi totoo kaya hirit ni Jake, “Baka may code kayo? Parang hindi ako naniniwala.”

Nakailang tawag na si Francine pero dedma pa rin si Ashley.

“Si Ashley po talaga ito promise wala akong boyfriend,” nakangiting sabi ni Francine.

“Nako, nako, nako,” panunukso ni Jake.

“Wala po, single. Single lady. Ha-hahahaha!”  tumawang sabi ng dalaga.


At sa pahayag na ito ni Francine ay nabigyan linaw na niya na wala silang relasyon ni Seth Fedelin na inuugnay sa kanya ngayon kahit pa nakitang magkasama sila noong Bagong Taon base rin sa mga larawang ipinost ng mama niyang si Merdick Saenz Diaz sa Facebook kamakailan.

Ito rin naman ang ipinaliwanag ng content provider at talent manager na si Ogie Diaz na nagpunta lang si Seth sa bahay nina Francine ay para humingi ng dispensa sa nangyaring gusot nila ni Andrea Brillantes sa nakaraang ABS-CBN Christmas special sa balitang sinugod ng huli ang dalaga.

Anyway, ang hindi na lang malinaw ay kung kumusta na ang relasyon nina Francine at Andrea sa kasalukuyan at kung nag-usap na ba sila para magkaliwanagan.

“Paano mag-uusap kung ayaw naman makipag-usap ang isa?” hirit ng source namin na ang itinuro ay si Andrea.

Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready

Francine naibili na ng bahay at sasakyan ang pamilya; pangarap ding makakuha ng college diploma

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending