Xian Lim, Ashley Ortega hindi niloloko si Kim Chiu: Trabaho lang, walang personalan
SABAY na dinenay nina Xian Lim at Ashley Ortega ang mga kumakalat na chika na may “something” nang nangyayari sa pagitan nila.
Magkasama ngayon ang dalawang Kapuso stars sa latest GMA 7 series na “Hearts on Ice” at mula nang magsimula silang mag-taping para rito ay hindi na tumigil ang tsismis about them.
Ayon sa mga Marites, palihim umanong nagkikita sina Xian at Ashley at nadamay pa ang figure skater coach ni Xian na si Ronan Capili, na kinukunsinti raw ang magka-loveteam.
Kasunod nito, inakusahan na ng ilang netizens na niloloko raw ni Xian ang girlfriend na si Kim Chiu.
View this post on Instagram
Sa isang direct message ng isang netizen kay coach Ronan sinabihan siya ng, “Coach ka na din pala ng panloloko ngayon. Paano mo naatim na tulungan ang Xian Lim na yan na lokohin si Kim?
“Paano mo nagawang maging daan para patagong magkita yan si Xian Lim at Ashley Ortega na yan at lokohin si Kim? Wag sana kumit(a) yan show niyo, mga manloloko.”
Kaya naman sa naganap na grand presscon ng “Hearts on Ice” last Friday, March 4, isa ito sa binigyang-linaw nina Xian at Ashley.
“Naku, wala po! Kami ni Xian, we’re just friends. Siyempre, nakakatanggap din ako ng mga ganyang ano, almost every single day, pero dedma na lang ako.
“Si Xian din naman, he’s aware of it
Actually, hindi lang ako, pati siya, e,” depensa ni Ashley.
Paglilinaw ni Xian, na-misinterpret lang daw ng mga tao ang closeness nila ni Ashley at ang pagtutulungan nila sa ginawa nilang preparasyon bilang ice skater sa “Hearts On Ice”.
Paglilinaw ni Xian, “The coach that you’re talking about is Coach Ronan, my coach since I started being on ice.
“Since day one, siya talaga ang naka-witness ng paghulog ko. And Coach Anna Bermudez, she’s here. She’s our consultant for Hearts on Ice.
“Actually, ang requirement po rito, ang sabi po nila sa akin from the beginning of the show, ‘O, Xian, maybe you can do some hockey, a little bit of skiing,'” aniya pa.
View this post on Instagram
Kinarir ng aktor ang preparasyon sa bago niyang serye sa GMA kaya siya kumuha ng coach, “Siyempre, baka kailanganin ni Direk and mga writers also na makasama ko po si Ashley sa mga scenes.
“Kaya sabi ko, ‘Sige, mag-training tayo.’ So, we’re really preparing for the time that I get to a certain level na…I did post in Instagram our journey in ice skating. May mga levels po kasi yan. There’s five basic levels.
“So finally, noong nakuha ko na ang certificate, puwede na kaming magsama ni Ashley sa ice. Because mahirap naman po na isasabak na kami agad at masagasaan namin ang isa’t-isa.
“Lalo na po ako. Si Ashley, stable na stable na yan. Yung mga choreography namin ni Ashley. Siyempre, on ice, we’re dancing.
“Kita niyo naman sa material namin, we’re very much kumbaga, we played on the theme of love. We’re expressing love with each other, yung mga character namin,” esplika pa ng dyowa ni Kim.
View this post on Instagram
“So, wala, e, public. Public yung skating rink. Hindi naman namin puwedeng ipasara kahit gusto namin for safety rin, baka makasagasa kami ng mga bata.
“So, we’re skating in public. So yung mga emote-emote namin nakikita ng public. Siyempre, nagtataka sila, ‘Bakit yung dalawa, nag-e-emote-emote rito?’
“I think, that’s where it came from. And unlikely na sabihan nila is si Coach Ronan. Siya kasi ang nagko-choreo. Hindi naman sa ano, but he’s the one in-charge of the choreo.
“He will send me (screenshots), may nagse-send sa kanya. Siyempe yung coach, nagulat din siya because he’s just doing his job, di ba?” dugtong pa niyang paliwanag.
Sa huli, ipinagdiinan ni Xian na trabaho lang ang ginagawa nila ni Ashley at hind niya niloloko si Kim.
Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!
Ashley Ortega payag uling lumaban sa ice skating competition, pero…
Darren hinding-hindi makakalimutan ang payo ni Coach Sarah: Tumatak talaga sa akin yun
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.