Ashley Ortega dedma sa malilisyosang haters: 'Alam namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalaghan' | Bandera

Ashley Ortega dedma sa malilisyosang haters: ‘Alam namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalaghan’

Ervin Santiago |March 15,2023
facebook
share this

Ashley Ortega dedma sa malilisyosang haters: ‘Alam namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalaghan’

Ervin Santiago - March 15, 2023 - 07:28 AM

Ashley Ortega dedma lang sa pamba-bash ng haters: 'Alam namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalaghan'

Xian Lim at Ashley Ortega

SUPER cry ang Kapuso actress na si Ashley Ortega nang malamang siya ang napili ng mga bossing ng GMA 7 para bumida sa teleseryeng “Hearts On Ice” katambal si Xian Lim.

Ito na nga ang biggest break ng dalaga makalipas ang 10 taong pagiging Kapuso kaya naman talagang abot-langit ang pasasalamat niya sa Diyos at sa mga executives ng GMA.

Ayon sa aktres, sa wakas, nagbunga rin ang kanyang loyalty at patience, “Siguro iyon din yung reason kaya nandito ako ngayon, because I’ve been really, really, really patient in my career.

“At saka lagi kong iniisip naman na hindi naman fame yung habol ko sa industriyang ito,” pahayag pa ni Ashley.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)


Hindi raw niya napigilan ang mapaiyak sa sobrang tuwa nang sabihin sa kanya na siya ang makaka-partner ni Xian sa “Hearts on Ice.”

“Siyempre naano rin ako, na parang, ‘Wow, this is my time! Na nakuha ko na ito.’ Kaya nga I would always tell people nung nalaman ko na nakuha ko itong show na ito, I cried kasi parang yung ten years na iyon, it was all worth it,” sabi ni Ashley.

Sa totoong buhay ay isang champion at professional figure skater si Ashley kaya naman mas lalo pa siyang na-excite na ito ang magiging role niya sa serye.

“Maliban sa nabigyan ako ng pinakamalaking break, figure skating pa. I don’t think, hindi naman sa pagmamayabang, I don’t think any artist can, you know, can do what I do, as a figure skater.

“So talagang siguro at the right time. God gave it to me at the perfect time,” sabi ng aktres.

At dahil si Xian nga ang ka-loveteam niya sa “Hearts on Ice”, natanong si Ashley sa presscon ng programa kung handa na ba siyang awayin at i-bash ng mga haters, lalo na ng ilang fans ng aktor at ng girlfriend nitong si Kim Chiu?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)


Sagot ni Ashley, “Ay, naku ready na po ako! Hindi pa nga nagsisimula yung show, inaaway na nila ako. I supported their movie, sila ni Xian, nanood ako ng premiere ng movie nila sa Megamall.

“May mga natatanggap na akong comments pero dedma na lang.
Hindi naman ako nagpapaapekto sa kanila.

Baka Bet Mo: Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!

“I kinda feel bad lang kasi siyempre pati si Xian bina-bash nila, hindi lang kasi ako. So parang, it’s the both of us.

“So parang siyempre they’re a couple, dapat yung fans nila they support each other, so hindi naman ako more of nalungkot yung pag-atake sa akin.

“You being bashed is part of showbiz, yung mga negative na tao, that’s what they do. I feel bad lang na pati si Xian bina-bash kasi siya so parang du’n lang.

“Dinededma ko lang, actually bina-block ko sila, e. Kasi ang hahaba ng mga paragraph nila na bashing lang talaga. Nilalagyan nila ng malisya yung pagsasama namin ni Xian sa show,” paliwanag ng dalaga.

Isa raw sa masasakit na comment na natanggap niya sa bashers ay, “Na bakit daw si Xian Lim isang GMA talent lang ang na-pair sa kanya, na parang laos daw ako, bakit ako daw yung pinartner, mga ganu’n.

“And, you know, I don’t wanna, baka naman gamitin nila against me, pero ano naman iyan, it’s part of it. Like, actually, pinapakita ko nga kay Xian, sabi ko, ‘Dedma mo na lang iyan.’ Sabi ko sa kanya, ‘Bakit pati ikaw bina-bash?’

“Dalawa kami, so iyon, pero dedma na lang, I mean it’s part of it, and okay naman kami ni Kim, and alam naman namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalaghan.

“We’re just good friends, we’re very professional lang, so I don’t think there’s something I should worry about or may kailangan akong itago na dapat affected ako sa sinasabi ng iba,” lahad pa ni Ashley.

Diego Loyzaga hindi ipipilit ang pagpapakasal kahit makabuntis; titigil na sa paggawa ng matinding hubaran at sex scenes

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Dizon dedma sa bashers: May 2 anak ako, kailangan kong magtrabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending