Xian Lim mas kinikilig kapag tinatawag na ‘Direk’ kesa ‘aktor’: Yun kasi talaga ang gusto kong gawin ever since nagsimula ako
KAHIT ilang taon na rin siyang umaarte at nakagawa na rin ng napakaraming pelikula at teleserye, inamin ni Xian Lim na mas kinikilig siya kapag tinatawag na “Direk.”
Ibang klase ng kaligayahan daw ang nararamdaman niya kapag naririnig niya ang mga katagang “Direk Xian”, lalo na ng mga kasamahan at katrabaho niya sa second movie niya bilang direktor na “Hello, Universe” under Viva Films.
Napanood na namin ang nasabing pelikula sa naganap na premiere night nito last Monday at in fairness pak na pak naman ito sa mga manonood dahil sa lakas ng tawanan sa loob ng sinehan.
Mukhang hindi naman nagkamali ang mga bossing ng Viva Films na ipagkatiwala kay Xian ang “Hello, Universe” kung saan muling pinatunayan ng lead star nitong si Janno Gibbs na hindi pa rin nangangalawang ang kanyang galing sa pagkokomedya.
At in fairness, bukod sa pagpapatawa, napasabak din si Janno sa drama na isa sa mga highlights ng pelikula na talagang tinutukan daw talaga ni Xian nang bonggang-bongga.
View this post on Instagram
Kaya nga iba raw ang nararamdaman niya kapag tinatawag na Direk Xian, “Siyempre mas nakakakilig marinig ang direktor kasi yun talaga ang gusto kong gawin ever since nagsimula ako.
“And this is a story I always tell whenever I get to direct a project… noong 2009, when I acted in my very first Cinemalaya film na ‘Two Funerals,’ gustong-gusto ko na talagang maging parte behind the camera. Mas kinikilig ako (kapag tinawag na direktor), sobrang gandang pakinggan.
“But I can never depart from being an actor. It’s in the heart. But having an opportunity to tell a story, to write, and to be part of every step of the filmmaking process is another kind of fulfillment together. Am looking forward to making more of these stories,” chika pa ni Xian na siya ring scriptwriter ng “Hello, Universe.”
Sa naunang panayam ng press kay Janno, todo puri siya kay Xian na inilarawan pa niyang, “captain of the ship”, “Impressive ang shooting namin – the shots, the story, the screenplay. Kaya naman tuloy lang kami kahit na mahirap.
“Marami kaming eksena sa bawat araw because we know what we’re doing is a nice film and that’s because of Xian,” sey ni Janno.
Sabi naman ni Anjo Yllana, “Si Direk sa experience ko, very talented siya. Marami siyang ideas, bago, mga hindi ko pa nakikita noon.
“And siguro, isang katangian ni Direk na gustung-gusto namin, kahit gaano kagaling si Direk, kahit siya ‘yung nagsulat, siya ‘yung nagdirek, alam niya ‘yung ginagawa niya pero kapag nag-suggest kami tatanggapin niya,” dagdag pa ng aktor.
Kasama rin sa movie sina Benjie Paras, Maui Taylor, Sunshine Guimary, Gene Padilla at marami pang ilang surpriss guests na ikatutuwa ng mga basketball fans.
Showing na ngayong araw sa mga sinehan ang “Hello, Universe” kaya kung gusto n’yong tumawa, ma-inspire at makalimot sa problema kahit sa sandaling panahon lang, watch na!
Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye
Vice Ganda: Maraming nagtatalo kung paano nila ako ia-address, ‘sir’ or ‘ma’am,’ kung ‘he’ or ‘she’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.