Tom Rodriguez hindi naiinsulto kapag tinatawag na 'bakla'; umaming love na love pa rin si Carla Abellana Bandera

Tom Rodriguez hindi naiinsulto kapag tinatawag na ‘bakla’; umaming love na love pa rin si Carla Abellana

Ervin Santiago |December 04,2022
share this

Tom Rodriguez hindi naiinsulto kapag tinatawag na ‘bakla’; umaming love na love pa rin si Carla Abellana

Ervin Santiago - December 04, 2022 - 08:14 AM
Tom Rodriguez hindi naiinsulto kapag tinatawag na 'bakla'; umaming love na love pa rin si Carla Abellana

Carla Abellana at Tom Rodriguez

NEVER nainsulto at nagalit ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez kapag tinatawag siyang bakla o beki ng mga taong kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Noon pa napapabalita na member daw ng LGBTQIA+ community ang dating asawa ni Carla Abellana at may mga nagpapakalat pa nga na ito raw ang tunay na dahilan ng kanilang biglang paghihiwalay.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Tom kasabay ng pagsasabing hindi siya nakakaramdam ng pang-iinsulto kapag nakakabasa at nakakarinig siya ng mga malilisyosong chika about his sexuality o gender preference.

Muling napag-usapan ang tungkol dito sa panayam ni Ogie Diaz kay Tom sa YouTube vlog ng talent manager at comedian. Diretsahang tanong ni Ogie, “Bading ba si Tom?” Na mabilis sinagot ng aktor ng, “No.”

“If that’s the worst that someone can call me, that’s not an insult to me. A lot of the best people…most of the best people I know happen to be of that persuasion. Happen to be gay. Best people I’ve known.

“So, kung ayun lang inaano, hindi insulto para sa akin yun,” aniya pa.

Ilang beses na raw niyang sinagot ang tungkol sa kanyang pagkalalaki at wala na raw siyang magagawa kung ayaw maniwala ng mga tao sa kanya.

“So, anyway, I don’t mind hearing it. Its not the truth but it doesn’t bother me. So, no, ganu’n lang kasimple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)


“But it’s up to them if they’re gonna believe it or not. Personally, sorry, I don’t care. I don’t care if they believe me or not,” aniya pa.

Sa tanong kung ano na ang lagay ngayon ng kanyang puso makalipas ang ilang buwan mula nang mag-file siya ng divorce para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Carla, “It’s up in the air pa rin. Siguro it’s still healing.

“It’s on the process. Hindi naman madali yun, e. It’s gonna be tricky to navigate. It’s gonna take a long time but it’s underway,” sabi pa niya.

Ito naman ang sagot niya sa tanong kung mahal pa ba niya si Carla, “Of course, hindi naman agad-agad mawawala yun. But like I said, it will transform into other things.

“Siguro the love may never disappear but it will change, it will develop. It will grow in its own way, whether together apart, it will grow on its own way,” mariing sabi ni Tom.

Dagdag pa niya, “Siyempre ang daming panghihinayang. All the years that you’ve been together, all the dreams that you had and built together.

“Pero like what I said, if it’s not meant to be, what can you do There are more moments that I’m living.

“There are more moments that I’m regretting the past. All I can do is learn from it and move forward,” sabi ni Tom.

Ruffa sa laiterang bashers: It’s an honor to look gay, mas type kong magmukhang bakla!

Julia love na love ang mga miyembro ng LGBTQ: ‘Bakla’ na ako kasi lahat ng best friends ko bakla

Vice pumalag sa mga nanay na nagsasabing ‘Proud ako sa anak ko kahit bakla siya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending