Ruffa sa laiterang bashers: It’s an honor to look gay, mas type kong magmukhang bakla! | Bandera

Ruffa sa laiterang bashers: It’s an honor to look gay, mas type kong magmukhang bakla!

Ervin Santiago |March 14,2022
facebook
share this

Ruffa sa laiterang bashers: It’s an honor to look gay, mas type kong magmukhang bakla!

Ervin Santiago - March 14, 2022 - 07:10 AM

ruffa gutierrez

ruffa gutierrez

SINAGOT ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang mga taong nagsasabing “mukha siyang bakla”.

Kung marami ang nagsasabi na fresh na fresh ang aura ngayon ni Ruffa may mga netizens naman ang nagkokomento sa mga Instagram photos niya na may mga kuha raw siya na parang transgender.

Ayon sa single celebrity mommy, aware raw siya sa mga negative comments at hate messages ng ilang netizens pero hindi na lang daw niya pinapatulan ang mga ito.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” kamakailan, nabanggit ni Ruffa na wala nang epekto sa kanya ang mga ganitong pang-ookray dahil sanay na sanay na siya sa mga haters sa social media.

Nagsimula ang pagkukuwento ni Ruffa nang tanungin ng “Showtime” host na si Vice Ganda ang mga contestants sa isa nilang segment kung saan isa nga sa mga judge ang former beauty queen kung ano ang isasagot nila kung may magsabing mukha silang buntis.

At natanong din ito kay Ruffa, “Hello?! Look at your body first before you say that to me… especially if flat ang tiyan ko like do you need glasses? Sorry I’m just being honest.”

Kasunod nga nito ay natanong uli siya kung ano ang magiging reaksyon niya kung may magsabi sa kanya na mukha siyang bakla.

“They always say na mukha akong bakla and I’m like, ‘So? It’s an honor to look gay.’ Mas type kong magmukhang bakla,” sagot ni Ruffa.

View this post on Instagram

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Sundot pang question ng Phenomenal Box-Office Star sa aktres, ano naman ang magiging reaction niya kung mapagkamalan siyang lalaki.

“Sa laki ng b@#bs ko? I think they really need glasses. I won’t mind them nalang. Hair flip na lang sila,” ang tugon ni Ruffa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

Ruffa happy sa ‘renewed friendship’ kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert?

Vice pumalag sa mga nanay na nagsasabing ‘Proud ako sa anak ko kahit bakla siya’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending