Vice pumalag sa mga nanay na nagsasabing 'Proud ako sa anak ko kahit bakla siya' | Bandera

Vice pumalag sa mga nanay na nagsasabing ‘Proud ako sa anak ko kahit bakla siya’

Alex Brosas |June 15,2021
facebook
share this

Vice pumalag sa mga nanay na nagsasabing ‘Proud ako sa anak ko kahit bakla siya’

Alex Brosas - June 15, 2021 - 10:42 AM

HINDI nagustuhan ni Vice Ganda ang word na “kahit” kapag ina-associate sa pagkakaroon ng anak na bakla.

Sa kanyang Twitter account, pinalagan ng TV host at comedian  ang paggamit ng ilang magulang sa salitang “kahit” sa paglalarawan ng kanilang mga anak na beki.

“VERY WRONG! Proud ako KAHIT na bakla ang anak ko. Mahal ko yung anak ko KAHIT na bakla. 

“PERPEK! Proud ako na bakla ang anak ko. Mahal ko yung anak ko na bakla. Walang kahit kahit!” ‘Yan ang tili ni Vice Ganda.

Sa isang segment sa “It’s Showtime”, ang “Reina Ng Tahanan”, kinorek ni Vice Ganda ang isang madir na may anak na bading.

“Proud ako kahit ganyan siya. Proud na proud bilang nanay, proud na proud talaga ako sa kanya,” say ng madir.

“Hindi proud kahit ganyan siya. Proud ka na ganyan siya,” pagkontra naman ni Vice.

“Actually i-correct na natin ‘yun, ha,  once and for all. Siguro hindi naman sinasadya or hindi naman sila aware na, laging sinasabi, ‘proud ako kahit ganyan ka’, pertaining ‘pag ‘yung mga anak ay bakla o tomboy or lesbian or transgender, o ano mang LGBTQ,” say ni Vice.

Para sa TV host mali ang ganyang paniniwala, “Kaya dapat, ‘proud ako na ganyan ka, proud ako na anak ka.’

“Ngayon pa lang sinumulan na natin ‘yung mga little steps na in-normalize natin at tanggapin natin na walang mali sa bakla, tomboy, trans, lesbian, queer, sa LGBTQIA+ community,” say niya.

* * *

May birthday party pala si Kyle Echarri at ngayon pa lang ay excited na ang fans niya. 

“Are you ready to #PartyWithKYLE this June 20?  You are all invited to my virtual birthday bash and fan con! Makakasama ko sa aking birthday celebration, This Generation’s Pop Princess @zephanie at marami pang ibang exciting na special guests! LIVE 7PM, Sunday, June 20, 2021 on my Kumu account, echarripapi. See you there, homies!”

‘Yan ang naka-post sa official Facebook account ng isa sa mga bida sa “Huwag Kang Mangamba”.

Samantala, mahigpit ang laban sa katotohanan sa “Huwag Kang Mangamba”. Pinapalabas ng character ni Francine Diaz na may gusto ang character ni Andrea Brillantes kay Pio (Seth Fedelin).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang nasabing series 8:40 PM on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11 and TV5 on free tv and digital box. It will also be shown on TFC, iWantTFC and WeTV iflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending