Diego Loyzaga hindi ipipilit ang pagpapakasal kahit makabuntis; titigil na sa paggawa ng matinding hubaran at sex scenes | Bandera

Diego Loyzaga hindi ipipilit ang pagpapakasal kahit makabuntis; titigil na sa paggawa ng matinding hubaran at sex scenes

Ervin Santiago |February 12,2023
facebook
share this

Diego Loyzaga hindi ipipilit ang pagpapakasal kahit makabuntis; titigil na sa paggawa ng matinding hubaran at sex scenes

Ervin Santiago - February 12, 2023 - 10:37 AM

Diego Loyzaga hindi ipipilit ang pagpapakasal kahit makabuntis; titigil na sa paggawa ng matinding hubaran at sex scenes

Diego Loyzaga

DEDMA ang hunk actor na si Diego Loyzaga sa darating na Valentine’s Day. Wala siyang plano sa February 14 dahil wala naman daw siyang girlfriend ngayon.

Single pa rin daw siya ngayon kaya hindi totoo ang chika na magdyowa na sila ng sexy actress na si Franki Russel na kasama niya ngayon sa pelikulang “Martyr Or Murderer” under Viva Films.

Sa presscon nga ng nasabing pelikula na idinirek ni Darryl Yap, ay nabanggit ni Diego na mas priority niya ngayon ang kanyang showbiz career kesa sa lovelife.

“Relationship isn’t something that I should focus on right now. I have other things to focus on,” pahayag ng binata na gumaganap pa ring young Bongbong Marcos sa part 2 ng blockbuster hit na “Maid In Malacañang.”

Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Tumanggi rin si Diego na pag-usapan ang mga ex-girlfriend niya, “My life has been so peaceful lately and I want to keep it this way.”

Samantala, feeling daw ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, hindi raw siya magpapakasal o magkakaroon ng asawa kahit pa makabuntis siya.

“If magkaroon ako ng baby…I’m just gonna give the baby the life that I never had.

“I think there’s a bigger possibility of, you know, just having a baby and raising that baby properly than having a successful marriage.

“I’m sorry, it doesn’t go for everybody. This is just my two cents. And neither am I saying that I’m right, ha?” ang diretsahan pang sabi ni Diego.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


May sumundot naman ng tanong kung ano ang ibig sabihin niya ng “the life that I never had”? Ito ba ay ang pagkakaroon ng buo at kumpletong pamilya?

“No, no, not naman a complete family. I guess we’ll know kapag nandu’n na ako. Kapag nandu’n na ako,” ang paulit-ulit na paliwanag ng aktor.

Tungkol naman sa kanyang pagpapaseksi sa mga pelikula ng Vivamax at Viva Films, mukhang hihinto muna si Diego sa matitinding love scenes at hubaran tulad nang ginawa niya sa “House Tour”, “The Wife” at “Pabuya.”

Tuluy-tuloy pa rin ba ang pagpapaka-daring niya sa pelikula? “Daring? It’s all the same to me, but I think the days of those kinds of movies. I tried it once and that’s enough.”

Marian sa bastos na bashers: Wala talaga akong pakialam, dedma! Never mind!

“I’m still game to do yung mga topless-topless when I get my fit body back, which I’m working on, pero to do yung mga sexy and daring, parang tapos na ako. Okay na ako,” aniya pa.

Anyway, showing na sa mga sinehan nationwide ang “Martyr Or Murderer” sa March 1 kung saan bibida pa rin sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Ella Cruz, Marco Gumabao, Jerome Ponce, Bevey Salviejo at Eula Valdes na gaganap bilang present day Sen. Imee Marcos.

Umaasa naman ang buong cast at production na mapapantayan o malalampasan pa ng “Martyr or Murderer” ang tagumpay ng “Maid in Malacañang” na kumita ng P750 million worldwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine hayagang binabastos ng mga basher matapos ilantad ang dyowang foreigner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending