Nadine hayagang binabastos ng mga basher matapos ilantad ang dyowang foreigner | Bandera

Nadine hayagang binabastos ng mga basher matapos ilantad ang dyowang foreigner

Reggee Bonoan |October 18,2021
facebook
share this

Nadine hayagang binabastos ng mga basher matapos ilantad ang dyowang foreigner

Reggee Bonoan - October 18, 2021 - 10:30 AM

Nadine Lustre at Christopher Bariou

DEDMA si Nadine Lustre sa nagkomento ng hindi maganda laban sa kanya sa ipinost ni Direk Yam Laranas sa Instagram ng location para sa bagong pelikulang gagawin niya under Viva Films.

Bukod kay Nadine ay kasama rin sina Diego Loyzaga at Epy Quizon sa nasabing movie na wala pang titulo.

Larawan ng mga punong kulay luntian na mala-gubat ang itsura ng ipinost ni direk Yam na nagustuhan ng ilang netizens habang nag-post naman si Nadine ng tatlong pulang puso.

Ang caption ng direktor sa post niya ay, “We are officially in prep! @nadine and @diegoloyzaga and @epyq #actor #entertainment #storyteller #cinema #filmmaking #streaming @vivamaxph #filmproduction @viva_films & @meshlabprod #mystery Diego Loyzaga Nadine Lustre Epy Quizon.”

Ayon sa netizen na si @shendowminne, “Direk tama pauwiin muna at mukhang laspag na laspag na ng kalive in niya…kitang kita na.”

Hindi naman ito pinalampas ng supporter ni Nadine na may IG handle name na @nadz_lustre24, “@shendowminne omg yong aso nina aling marites naka wlaa gurlll o kung sino kaman baka ikaw ang laspag? San mo nakita? Maka pag sabi ka sabagay galing sayo ano expect ko syempre isa kang bobo eh sayang kahiyahiya sa mga magulang mo ohh isa kading magulang? Matanda sa feeling may asim eww.”

Sumang-ayon dito si @amari_scent, “@shendowminne grabe kang mang down ng kapwa mo…tao k pb magdasal ka kaya…ung mga sinasabi mo ay ikaw yon … ikaw yung laspag …sinasabi mo lng yan kasi nga ginawa mo yan…magdasal ka para mabawasan ang kasalanan mo.”

Nadine naghahanda na para sa bagong pelikula ng Viva; makakasama sina Diego at Epy

Anyway, masaya ngayon si Nadine dahil may nagpapaligaya sa puso niya, ang sinasabing boyfriend niyang foreigner na si Christopher Bariou na nag-viral ang larawang ipinakilala ng dalaga sa kanyang amang si Ulyses Lustre.

Wala namang makapagsabi kung JaDine supporters ang mga naninira kay Nadine dahil may bago na nga itong boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending