Joko hindi stage father sa anak na si Ashley: Paalala ko sa kanya, makisama, be kind, always respect the senior | Bandera

Joko hindi stage father sa anak na si Ashley: Paalala ko sa kanya, makisama, be kind, always respect the senior

Ervin Santiago |January 17,2022
facebook
share this

Joko hindi stage father sa anak na si Ashley: Paalala ko sa kanya, makisama, be kind, always respect the senior

Ervin Santiago - January 17, 2022 - 11:13 AM

Ashley at Joko Diaz

NILINAW ng action star na si Joko Diaz na hindi naman siya nagpapaka-stage father sa kanyang anak na si Ashley na nag-aartista na rin ngayon.

Feeling blessed and grateful ang Kapamilya actor kay Boss Vic del Rosario dahil muli siyang binigyan ng pagkakataon na makapagbida sa mga bonggang pelikula.

In fairness, tatlong sunud-sunod na Vivamax original movie ang ginawa ni Joko — ang action film na “Hugas” “Siklo” at “Kinsenas Katapusan”.

Pagkatapos nga ng napakagandang exposure niya sa Kapamilya drama series na “Kadenang Ginto” noong 2020 ay hindi na nawalan ng projects si Joko at humahataw nga ngayon sa mga pelikula ng Viva.

“Actually, di ba nasa ABS-CBN ako nung huling mga taon? It’s just that nagkausap kami ni boss Vic at maganda naman ang napag-usapan so heto na, nandito na ulit sa mother studio,” ang pahayag ni Joko sa nakaraang online presscon ng “Hugas” last Jan. 10. 

Sa halos tatlong dekada ng aktor sa showbiz, game rin siyang makagawa ng ibang genre bukod sa aksyon.

“Yan ang hindi pa namin napag-uusapan ni boss Vic pero yung Siklo at saka itong Hugas, yung Kinsenas Katapusan ay medyo nasa lead na tayo du’n kasi sa atin iikot ang istorya so okay naman. 

“Right now, wala pa kaming napag-uusapan na ganyan but right now I’m happy just helping the new ones. Siyempre gusto ko nakalinya sa action yan kung gagawa tayo ng panibagong pelikula. 

“Siyempre desisyon pa rin ng boss yun. Tayo naman ay empleyado lamang. Tayo’y susunod kung anong sinasabi ng boss natin,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Joko Diaz (@akosijokodiaz)


Samantala, tungkol naman sa anak niyang si Ashley, willing naman daw siyang gumawa ng project sa Viva together at hindi rin daw siya nagkukulang ng paalala sa dalaga ngayong nasa showbiz na rin ito.

“Kumportable naman ako to work with her. Sana lang magtama yung schedule namin. Tapos ang mga sinasabi ko lang sa kanya, pinapaalala ko na makisama siya, always be kind, always respect the senior sa ‘yo, ganu’n lang. 

“Hindi naman ako yung stage father na kailangan pupunta ako sa set. Pero hatid sundo, ganun nga lang. Hinahatid sundo ko siya,” paglilinaw ng veteran actor.

Napapanood pa rin ang “Hugas” sa Vivamax at kasama rin dito sina AJ Raval, Sean de Guzman, Cara Gonzales, Stephanie Raz, Deberly Bancore, Jay Manalo at Bob Jbeili, sa direksyon ni Roman Perez. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Ashley Diaz (@_ashleydiaz)

Joko Diaz game na game sa pakikipag-love scene kay Ayanna Misola: Alam naman ‘yan ng misis ko

Hiwalayang Alodia-Wil nabasa ni Ashley Gosiengfiao sa tarot cards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending