DJ Durano naiyak nang malaman ang ginawa ni direk Wenn | Bandera

DJ Durano naiyak nang malaman ang ginawa ni direk Wenn

Ervin Santiago |March 02,2016
facebook
share this

DJ Durano naiyak nang malaman ang ginawa ni direk Wenn

Ervin Santiago - March 02, 2016 - 02:00 AM

dj durano

Hindi pa rin makapaniwala ang isa sa mga naging alaga ni direk Wenn Deramas sa mundo ng showbiz na si DJ Durano sa pagkawala ng box-office director.

Isa si DJ sa mga unang dumating sa Arlington Chapels kung saan nakaburol ngayon ang direktor. Naging malapit sa isa’t isa ang dalawa at mismong si DJ na ang nagsabi hindi biro ang pinagsamahan nila ng yumaong direktor kaya talagang na-shock siya sa biglang pagyao nito.

“It’s very difficult because alam naman ng lahat na Direk Wenn is my mentor actually he gave me the biggest breaks and malaking loss hindi lang sa akin, kundi sa industry. I’m lost for words I only have kind words para sa kanya.

May gagawin pa nga dapat kami na teleserye,” sabi ng aktor sa panayam ng ABS-CBN. Mas naging malalim pa raw ang kanilang pagkakaibigan nang halos araw-araw silang magkasama dahil sa trabaho. Laging kasama ang aktor sa mga pelikula noon ni direk Wenn.

“Hindi naman kami nakakalimot na mag-communicate. Kahit sa text lang may communication. May mga time na hindi siya sumasagot dahil busy siya,” sey pa nito nang tanungin kung kumusta ang relasyon nila nitong mga nakaraang buwan.

Halos maiyak naman ang binata nang malaman niya na kahit hindi na sila masyadong nagkikita at nagkakausap ay concern pa rin ang direktor sa kanya. “Binibilin niya ako noon pa na huwag ako pabayaan at bigyan ng trabaho parang dapat hindi ako mababakante kasi naniniwala siya sa talento ko.

Lagi niya sinasabi na pinaghirapan ko kung ano ang meron ako ngayon. Walang DJ Durano kung walang Direk Wenn,” ani DJ. Dagdag pa nito sa nasabing interview, “Si Direk Wenn ay isang pamilya sa lahat. Wala siyang masamang tinapay.

Magtatampo yan pero isang lapit mo lang diyan, kausapin mo lang ng maayos ok na ulit yan. Sobra kaming naging magkaibigan mabait si Direk. Lagi ko sinasabi na Thank You sa kanya, alam nya yun. I always say thank you sa kanya. Hindi ako makakalimot.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending