Yasser Marta kay Claudine: Right love at the wrong time...

Yasser Marta sa pagmamahal kay Claudine: Right love at the wrong time…

Ervin Santiago |May 09,2024
facebook
share this

Yasser Marta sa pagmamahal kay Claudine: Right love at the wrong time…

Ervin Santiago - May 09, 2024 - 05:42 PM

Yasser Marta sa pagmamahal kay Claudine: Right love at the wrong time...

“NAGKATAGPO, pero hindi itinadhana!” Yan marahil ang nangyari sa pagitan ng mga Kapuso stars na sina Claudine Barretto at Yasser Marta.

Ibinandera ng Kapuso hunk sa buong universe na totoong na-in love siya kay Claudine habang ginagawa nila ang GMA Prime series na “Lovers/Liars”.

Talagang inamin niya na na-fall siya sa seasoned actress dahil halos lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang babae ay nasa kanyang leading lady.

Sa panayam kay Yasser ng “Fast Talk with Boy Abunda” diretsahan siyang tinanong kung naging magdyowa ba sila ni Claudine.

Baka Bet Mo: Yasser Marta feeling suwerte kay Maine: Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala…

“Naging kayo ba ni Ms. Claudine Barretto?” ang question ni Tito Boy kay Yasser na sinagot ng aktor ng, “Hindi po.”

Sundot na tanong kay Yasser kung totoo bang na-in love siya kay Claudine noong ginawa nila ang suspense-drama na “Lovers/Liars.”

“Sino ba ang hindi mahuhulog sa isang Miss Claudine Barretto? Napakalambing, napakaganda, lahat ng iwi-wish mo nasa kaniya na,” sey ni Yasser.

Sa sobrang pagka-in love nga raw niya sa aktres, kapag nabigyan siya ng powers na bumalik sa past, gusto niyang makasabay niya si Claudine sa showbiz industry.

“Ako, kung maibabalik ko lang siguro ‘yung panahon dati na sabay kaming nandito sa industriya, Tito Boy, sana mabalik ko ‘yon,” aniya pa.

Kung ihahalintulad nga raw sa isang song ang nangyari sa kanila ni Claudine, “Yung sabi sa kanta nga.. right love at the wrong time.”

Matatandaang inamin ni Yasser sa guesting niya sa “Sarap Di Ba?” na naging malapit sila ni Claudine sa isa’t isa matapos ang ilang buwan nilang taping para sa “Lovers/Liars”.

“Well, sa closeness namin ni Miss Clau, 10 talaga. As in sobrang naging close kami, ginagawa namin yung ‘Lovers/Liars.’ Talagang oo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m going to be honest. Totoo. Ako naman, ‘yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine,” aniya pa.

Niregaluhan pa ni Yasser ng sapatos si Claudine bago pa matapos ang kanilang serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending