Yasser Marta feeling suwerte kay Maine: Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala... | Bandera

Yasser Marta feeling suwerte kay Maine: Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala…

Ervin Santiago |February 13,2022
facebook
share this

Yasser Marta feeling suwerte kay Maine: Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala…

Ervin Santiago - February 13, 2022 - 10:56 AM

Yasser Marta at Maine Mendoza

“NAKAKATABA ng puso, sobra!”

Ito ang pagbabahagi ng Kapuso young actor na si Yasser Marta patungkol sa tambalan nila ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Magkasama ang dalawa sa hit comedy show ng GMA 7 na “Daddy’s Gurl” at in fairness, talagang tanggap at suportado ng fans ni Maine ang loveteam ni Yasser.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ngayon ng binata sa Kapuso network, sa buong production ng “Daddy’s Gurl” at sa lahat ng sumusuporta sa kanila ni Maine.

“Alam naman natin si Maine Mendoza, ang mga naging leading man na niya of course si Alden (Richards), sa Daddy’s Gurl, sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio.

“Tapos ako na baguhan, ako pa ‘yung naging boyfriend niya tapos tumagal pa kami,” ang hindi pa ring makapaniwalang pahayag ni Yasser sa panayam ng GMA Network.

Patuloy pang chika ng aktor, “Sobrang laking pasasalamat ko sa lahat ng mga nanonood kasi nabasa ko nga ‘yung feedback nila, ang gaganda.

“Nakakarating sa akin lahat ng comments, kaya ako ang surreal ng feeling. Nakakataba ng puso, sobra. Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na ganun ‘yun pagtanggap sa akin ng fans,” sabi pa ng binata.

View this post on Instagram

A post shared by Yasser Marta (@itsyassermarta)


In fairness naman kasi, ang lakas din ng chemistry ng tambalan nina Maine at Yasser. Hindi siya pilit at natural na natural ang datingan ng kanilang mga pakilig na eksena.

Nauna rito, nabanggit na rin ng Kapuso hunk sa isang panayam na napakataas ng respeto at paghanga niya kay Maine bilang artista at napakarami rin niyang natututunan sa TV host-actress pagdating sa pag-arte.

Ani Yasser, bilib na bilib siya sa “natural gift” na havey si Maine kapag humarap na sa mga camera kaya naman nahahawa na rin siya sa energy at powers ng dalaga.

“Wala pa ako sa Sparkle, sa GMA, nag-Spogify (Eat Bulaga) na ako, so isa ako sa mga finalist ng Spogify. Nakikita ko na rin si Maine doon na nagho-host and napanood ko rin siya as Yaya Dub.”

“First-time ko siya makasama sa isang set, makasama sa isang acting job talaga. Sobra ako na-amaze kay Maine, dahil sa galing niya and hindi biro ‘yung ganu’ng klaseng trabaho na akala natin kapag napapanood natin na madali lang,” chika pa ng aktor sa nasabing interview.

Papuri pa niya sa aktres at “Eat Bulaga” host, “Ang effortless niya gawin ‘yung mga ganu’ng klaseng eksena at pagpapatawa. 

“For me parang gift ‘yun para sa kanya. Ang galing niya magpatawa, napaka-charming din niya. Hindi lang siya basta nakakatawa, lalambot ‘yung puso mo sa pagpapatawa niya, dahil napakagaling niya,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/285083/parang-lahat-po-ng-ginagawa-ko-sa-buhay-ko-kinakabahan-ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302625/yasser-marta-sa-mga-ayaw-pa-ring-magpaturok-huwag-kayong-matakot-ang-dami-na-naming-bakunado-na
https://bandera.inquirer.net/279563/alex-diaz-may-takot-pero-laban-lang-sobrang-daming-lalaki-sa-showbiz-na-tago-pa-rin-dahil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending