Dianne Medina naglagay ng mini pool sa sala para sa anak

Dianne Medina naglagay ng mini pool sa sala para sa anak, inulan ng bashers

Pauline del Rosario |May 06,2024
facebook
share this

Dianne Medina naglagay ng mini pool sa sala para sa anak, inulan ng bashers

Pauline del Rosario - May 06, 2024 - 10:19 AM

Dianne Medina naglagay ng mini pool sa sala para sa anak, inulan ng bashers

PHOTO: Instagram/@dianne_medina

KAHIT may magandang intention ang mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz, marami ang tila hindi sang-ayon sa kung paano nila i-spoil ang kanilang anak na si Joaquin.

Sa latest Instagram post, ibinandera ni Dianne ang isang video na makikitang nasa loob ng bahay ng kanilang sala ang mini inflatable pool ng anak.

Ayon sa kanya, gustong mag-swimming sa labas ng panganay niya, ngunit mainit kaya naisipan daw nito na sa loob na lang ng bahay.

Hindi na, aniya, niya inisip ang mga gamit dahil ang importante ay ang kasiyahan ni Joaquin.

“So ayan nag set up kami ni Daddy Rj ng Mini pool niya,” caption ng actress-anchor.

Baka Bet Mo: Dianne Medina muling nagkamali, sinupalpal ng netizens: ‘Eto na naman! Hindi pinag-aralan ang report’

Kwento pa niya, “At first I was a bit hesitant madudumihan and mababasa ang carpet and all pero naisip ko minsan lang bata si Joaquin gusto ko ma- enjoy niya and ang sala pwede naman patuyuin at linisin ang mga gamit hahaha!”

“Same as before nagdrawing siya ng car sa sofa using pentel pen hindi na ko nagalit kasi mapapalitan naman ‘yun haha! Kung saan ka masaya anak! Mahal na mahal kita [blue heart emoji],” ani niya sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina)

Sa comment section, tila may ilang netizens ang hindi nasisiyahan sa pagsunod ng mag-asawa sa kanilang anak.

“Goodbye carpet [laughing emoji],” sey ng isang IG user.

Sumagot diyan ang aktres at sinabing: “We can always buy a new one [smiling face emoji] but Joaquin’s happiness hindi ‘yan maibabalik at mabibili.”

May nagkomento pang netizen na, “Wala naman kayo sa lugar sa pagsunod sa anak nyo!!!”

Kalmadong reply naman ng anchor, “kanya kanya naman ‘yan [laughing emoji].”

Lahad ng isa pa kay Medina, “Gentle parentinggg [holding back tears, heart hands emojis]”

Tugon ng aktres sa kanya, “Ganito kasi kami pinalaki ng mommy and daddy ko napakabait nila [red heart emoji]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, noong December 2019 nang ikinasal sina Dianne at Rodjun sa Manila Cathedral.

Noong September 2020 naman nang isinilang nila si Baby Joaquin at nitong Marso ay masayang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng second baby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending