Dianne Medina muling nagkamali, sinupalpal ng netizens

Dianne Medina muling nagkamali, sinupalpal ng netizens: ‘Eto na naman! Hindi pinag-aralan ang report’

Pauline del Rosario |August 20,2023
facebook
share this

Dianne Medina muling nagkamali, sinupalpal ng netizens: ‘Eto na naman! Hindi pinag-aralan ang report’

Pauline del Rosario - August 20, 2023 - 11:18 AM

Dianne Medina muling nagkamali, sinupalpal ng netizens: ‘Eto na naman! Hindi pinag-aralan ang report’

PHOTO: Instagram/@dianne_medina

MULING nag-init ang ilang metizens sa naging showbiz report ng TV host-actress na si Dianne Medina.

Nagkamali kasi ulit siya sa pagbigkas na may kaugnayan sa K-pop.

Sa recent airing ng programang “Rise and Shine Pilipinas,” ibinabalita ni Dianne ang naganap na concert ng K-pop group na iKON dito sa ating bansa at doon niya nabanggit ang ilang kanta nito.

Ang nasabi niya ay “taranta,” imbes na “Tantara.”

Dahil diyan, muling bumuhos ang pambabatikos sa PTV entertainment reporter.

Baka Bet Mo: Dianne Medina sa trending ‘subunit’ video: Dapat as a host nag-research din ako…at least I know my lesson now

May iilan na pinagsabihan pa si Dianne na dapat binabasa niya nang mabuti ang kanyang nire-report, habang ang iba naman ay inalala pa ang naunang pagkakamali niya dahil ginawa niya raw ulit ito.

“Si ateng Dianne Medina eto na naman sa hindi pinag-aaralan ang report niya bago sumalang hahahahaha,” sey ng isang nag-post ng kanyang nasabing report.

Heto pa ang ilan sa mga nabasa namin:

“Etong si Dianne Medina, magbabasa nalang ng script mali mali pa. Kaloka na si ateng.”

“Taranta >>>>>> subunit kaya pa ba miss dianne medina [crying face emojis].”

“@diannemedina ayusin mo ‘yang pronunciation mo teh.”

Kung maaalala noong February 12, inulan ng komento ang news report matapos magkamali sa pagbigkas ng salitang “subunit” sa kanyang entertainment segment.

Ang topic niya riyan ay ‘yung launching ng grupong “MISAMO” na isang Japanese trio group na under ng K-Pop girl group Twice.

Nakarating pa nga kay Dianne ang pagiging trending ng kanyang report at agad na ibinahagi ang updated version nito sa kanyang Instagram account.

Sinagot din niya ang mga naging pambabatikos at sinabi pa niya na hindi raw niya kinahihiya ang kanyang pagkakamali.

“Never ko tinake na kahihiyan ‘coz I know God allowed this to happen so I will learn from this mistake. Unless ikaw perfect ka siguro, ako kasi hindi kaya okay lang magkamali,” giit niya.

Samantala, wala pang pahayag o komento si Dianne sa latest trending report niya about sa iKON.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong tinupad ang pangakong tulong sa showbiz; Rodjun, Dianne nakabili uli ng bagong property

YouTube channel, FB account ng bagong ‘Eat Bulaga’ biglang natsugi, hirit ni Paolo: ‘Report lang kayo nang report, post lang kami nang post!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending