Dingdong tinupad ang pangakong tulong sa showbiz; Rodjun, Dianne nakabili uli ng bagong property
“PROFESSIONAL malasakit” at its core, ang sabi ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes patungkol sa bago niyang business venture na delivery service.
Ang tinutukoy ng award-winning actor ay ang DingDong PH na itinuturing na ring isang public service dahil sa vision and mission ng proyekto.
Para sa mister ni Marian Rivera, ang proyektong ito ang kanyang tulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya partikular na sa mga kasamahan niya sa entertainment industry.
“Sinabi ko noon sa sarili ko na kapag dumating ang panahon na may kakayahan na akong tumulong sa iba, pagtatapusin ko ang mga kapatid ko sa pag-aaral at sisikapin ko rin makatulong sa iba,” pahayag ng aktor.
Sa pamamagitan ng DingDong, madaling mapapadala ng small business owners ang kanilang products sa kanilang customers.
Ang mga riders nito ay dumaan sa masusing training para mapa-experience sa bawat customer nila ang “professional malasakit.”
“With the pandemic, the time is ripe to open new doors for other members of the society. And that is by providing sustainable livelihood opportunities.
“Taking inspiration from my delivery experience sa flower shop ng aking asawa, we started by working with riders from the entertainment industry to help us urgently.
“Dahil alam namin na sobrang necessary ng tulong sa kanila dahil ang entertainment industry ang isa sa pinakatinamaan sa panahon ngayon,” pahayag ni Dingdong.
Sa ngayon, ang DingDong ay marami nang natutulungan na iba’t ibang indibidwal at small business owners.
* * *
Isa na namang blessing ang dumating sa mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz matapos ang launching ng kanilang family busines na isang sportswear store.
Ibinahagi ng TV host-actress sa Instagram ang bagong investment nila ni Rodjun na isang farm lot sa isang real estate sa Alfonso, Cavite.
Ipinost ni Dianne ang litrato nila ng asawa na nakatayo sa isang malawak na lote na may caption na, “This is our Farm Lot in Alfonso Cavite. Sa panahon ngayon importanteng marunong tayo dapat mag-ipon, invest at kung saan maganda ilagay ang pera natin.
“This is all pure hard work and team work. I wanna thank the Lord for this blessing,” aniya pa.
Kasunod nito, nag-alok pa ng financial advice si Dianne sa mga gusto ring mag-invest, “To be able to give back gusto ko rin makatulong sa iba if you want advice, tips on how you can handle your money really well at kung paano at saan ba maganda mag-invest.
“If you’re interested my line is open anytime, message me at 09674314069,” sabi pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.