Dianne Medina binoldyak dahil sa pagkukumpara ng tuition fee

Dianne Medina binoldyak ng netizens sa pagkukumpara ng tuition fee

Ervin Santiago - September 04, 2024 - 01:00 AM

Dianne Medina tinalakan ng netizens sa pagkukumpara ng tuition fee

Dianne Medina at Rodjun Cruz kasama ang 2 anak

SHOOKT ang TV host-actress na si Dianne Medina sa napakalaking pagkakaiba ng halaga ng tuition fee noon sa panahon ngayon.

Naikumpara kasi niya ang binabayaran niyang matrikula noong Kinder pa lamang sa tuition fee ngayon ng kanyang panganay na si Joaquin na nasa Nursery 2 na.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post ang wifey ni Rodjun Cruz ng kanyang report card at diploma noong Kinder pa lamang siya pati na ang report card at diploma ng kanyang Kuya Xavier Medina at Kuya Nix Medina.

Ang caption ng celebrity mom sa kanyang IG post, “Cleaning our old house. Hahahaha! Dami kong nahalungkat.

Baka Bet Mo: Eugene 3 years binayaran ang tuition fee ng anak ni Dolly: ‘Wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral’

“Grabe yung tuition fee ko may receipt na dated May 7, 1991, Kinder, Holy Spirit QC – 2,521.50 pesos lang.

“Fast forward now 170K si Joaquin Nursery 2 grabe hahaha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mixed ang reactions ng mga ka-BANDERA natin sa post ni Dianne, may mga naka-relate sa kanya at meron ding basag-trip ang reaksyon. Narito ang ilan sa nabasa naming comments ng netizens.

“Same school po ba? Kung hindi parehong school di po ata dapat na pag compare’n.”

“Yang magulang niya pinag-aral siya kung saan yong kaya ng bulsa at best sa tingin nila. Ganun din naman siya siguro ngayon sa anak niya.”

Baka Bet Mo: Melai wais na sa pera: Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo, eh anak mo ‘yan…

“1st and foremost 33 years ago na un sinasabi mo and for sure sa exclusive na nursery school mo pinasok ang anak mo kaya ganyan ang tuition fee.. ipasok mo sa daycare ng brgy libre yan if may bayad minimal.”

“I-public mo yan anak mo miss Diane tanggal yang 170k.”

“Maybe nka installment kaya 2k plus lng. Hindi naman cguro ganun ang ibig nyang sabihin. Kung ttignan natin ang positive side maybe Isa sa way nya yan para I express na nakakaya nila matuoad un dream nila na mabigay ang ganyang buhay sa anak nila.”

“I think kung tayo Isa sa mayayaman for sure ipapasok din naten ang kids naten sa ganun dhil afford natin. Meron ako friend na ganito nammiss interpret lage Pero ako nakinig lage sa story ng buhay nya, and nakita ko lang na masaya sya mag Post hndi para magyabang, kulang sya sa mga tao na mkkinig sa knya and Finds FB para ma fill ung kulang na naramdaman nya. Let us spread positivity.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


“Kayabangan po yan bakit c Manny Pacquiao nag post ba kung magkano tuition fees ng mga anak nya? mayaman tlg cia.”

“Ang daming bitter. mahirap o mayaman may kalayaan at karapatang mag-flex sa social media.”

“Ahhh okay so ba-balik pa tayu sa panahon ng 1991? Anong kaga guhan toh?”

“Sa Public Community Elementary ako nag aral ,di pa uso noon ang kinder pero meron kami Kinder class every sunday sa Church namin at ok naman ako.”

“For me she only wants the best for her kid. Kahot naman ako kahit may pera sa mamahaling school ko ipag aaral anak ko. It is not because mababa tingin ko sa public pero nacompare ko narin. Una mas natututukan ang bata sa private kasi konti sila.unlike public na siksikan. Plus ung comfort ng anak ko. TBH sa public kahit hindi marunong ang bata magbasa nakakatungtong ng Grade 6 which nakakapagtaka. Pero for me pera nila yan. Sila may say san nila.ilalagay ang anak nila. Sila naman magbabayad ng tuition hindi naman tayo.”

“Grabe Naman Yan Samantalang Yung public khit walang tuition ay apaka tatalino naman kysa sa my tuition na Ang mga pag uugali ay mga balasubas.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sheeesh kunyari nagulat.. Ano nagpa enroll lang kayo don na hindi alam ang TF ng school. Para lang talaga makapag  brag sa madlang people para lang may ma caption. Ako nga 300k tuition ng anak ko sa public school hindi ko nga pinost. Public pa lang yan ha. Pano pa pag naka private.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending