Eugene 3 years binayaran ang tuition fee ng anak ni Dolly: 'Wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral' | Bandera

Eugene 3 years binayaran ang tuition fee ng anak ni Dolly: ‘Wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral’

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Eugene 3 years binayaran ang tuition fee ng anak ni Dolly: ‘Wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 08:45 AM

Eugene 3 years binayaran ang tuition fee ng anak ni Dolly: 'Wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral'

Dolly de Leon at Eugene Domingo

NAPAKALAKI pala ng tinatanaw na utang na loob ng international actress na si Dolly de Leon sa Kapuso TV host-comedienne na si Eugene Domingo.

Ilang beses nang napatunayan ni Dolly kung gaano kabait at ka-loyal na kaibigan si Uge mula pa noong kabataan nila hanggang sa makapasok na sila sa mundo ng showbiz.

Literal daw talaga niyang nakasama ang komedyana sa hirap at ginhawa kaya naman habangbuhay niyang ite-treasure ang kanilang friendship na tumatagal na ngayon ng ilang dekada.

At knows n’yo ba na noong hirap na hirap sa buhay si Dolly ay si Eugene ang nagbayad sa tuition ng kanyang anak sa loob ng tatlong taon? Yan ang inamin ng Hollywood actress sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ni Dolly, magkasama na sila noon pa sa Theater Arts sa UP at noong nagkaroon siya ng mga pagsubok sa buhay ay hindi siya iniwan ni Uge.

Baka Bet Mo: Paalala ni Eugene sa mga single lady ngayong Valentine’s Day: ‘It’s not important that you are alone…you don’t need a man’

“At the time when I was going through really hard times, kasi Kuya Boy may time talaga na wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral dahil wala akong pambayad ng tuition,” simulang pagbabahagi ni Dolly.

“A lot of friends came to support me. Uge’s one of them. She paid for my son’s tuition for three years,” sabi pa ni Dolly na siyang itinanghal na best supporting actress sa Los Angeles Critics Award ngayong taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official)


“She never left. Even if she reached that superstardom level already, she was always a friend. She was always, you know, Uge as we know her. Totoong kaibigan ang tingin ko talaga sa kanya,” aniya pa.

Naibahagi rin niya ang pagsuporta ni Eugene sa kanya habang naghahanda sa mga dadaluhan niyang mga awards night here and abroad, kabilang na ang Golden Globes at British Academy of Film and Television Arts (BAFTAs).

“Kumbaga, dinaanan niya ‘to eh so alam niya kung anong gagawin. Binigyan niya ako ng tips on…I know it sounds mababaw—pero binigay niya akong tips kung anong sapatos susuotin. ‘Magbaon ka lagi ng flats,’ ganyan,” sabi pa ni Dolly na nakatapos na naman ng isang Hollywood movie, ang “Grand Death Lotto” kasama sina Simu Liu, Awkwafina, at John Cena.

Melai wais na sa pera: Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo, eh anak mo ‘yan…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eugene kay Pokwang: ‘You give, give, give and now you fight, you stand up…you will survive!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending