Ate Vi game na game maka-collab sa vlog sina Ate Guy, Sharon, Maricel; gusto ring makatrabaho si Dolly de Leon
GAME na game ang Star For All Seasons na si Vilma Santos na maka-collab sa kanyang YouTube channel ang tatlo sa pinakamamalaking bituin sa mundo ng showbiz.
Ang tinutukoy namin ay ang nag-iisang Superstar at National Artist na si Nora Aunor, Megastar Sharon Cuneta at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Nagkita at nagkachikahan sina Vilma at Maria sa naganap na FDCP Parangal ng Sining nitong nagdaang Linggo, April 23, sa Seda Hotel Vertis North, Diliman, Quezon City.
Sa ilang dekada nilang pamamayagpag sa entertainment industry ay isang beses pa lang sila nagkasama sa pelikula, at yan ay sa 1986 Regal Films movie na “Yesterday, Today & Tomorrow” na idinirek ni Emmanuel Borlaza.
View this post on Instagram
Base sa mga napanood naming video ng dalawa sa social media na kuha sa Parangal ng Sining, kitang-kita na super na-miss nila ang isa’t isa. Talagang chikahan to the max ang dalawang movie queen.
Baka Bet Mo: Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin
Mat nagtanong kina Ate Vi at Maria sa nasabing event kung may pagsasamahan silang project together. Natatawang sagot ng Star For All Seasons, “Kasi, ang gusto niya vlog! Ha-hahaha! Sabi niya, ‘Ate Vi, mag-vlog na tayo!’
“Sabi ko, ‘Marya, sigurado tayong dalawa. Unahin ko lang, may commitment ako kay Sharon (Cuneta)!”
View this post on Instagram
Sey ng award-winning veteran actress tungkol sa pagpasok ng mga artista sa mundo ng vlogging, “Kasi, social media is here. So if you want to have communication, and to be active again sa komunikasyon sa tao, andiyan talaga ang social media.”
At sa tanong kung posible rin bang magakaroon ng collab ng kaibigan at kumare niyang si Ate Guy, “Anytime! It’s about time na mag-collab!”
Samantala, looking forward din siya na makatrabaho ang international Filipina actress na si Dolly de Leon.
“Oh, definitely! My God! Sana nga kung makakatulong mabuhay muli yung industriya natin, do good films, and they show it on theaters, and people will watch again,” pahayag ni Ate Vi.
Gary may ibinuking tungkol kay Julie Anne; hugot kung hugot sa ‘Di Ka Akin’
Kyline mas tumindi pa ang ‘hugot’ sa pamilya; Buboy bibida sa life story ni Betong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.