Maricel Soriano sumabak sa pole dancing, bumilib kay Ciara Sotto: Oh my God! Ang galing, parang magic!
KAHIT ilang dekada na ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano sa entertainment industry, napakarami pa rin niyang rebelasyon tungkol sa personal niyang buhay.
Iyan ay dahil sa mga isine-share niyang mga kuwento about her life and showbiz career sa kanyang mga vlog sa YouTube.
In fairness, kung isa kang certified fan ni Maricel, talagang mapapatambay ka sa kanyang YouTube channel dahil sa mga paandar at pasabog na mga vlogs niya tungkol sa mga nangyayari sa araw-araw niyang pamumuhay.
Sa latest vlog niya, ibinahagi ng award-winning actress at movie icon ang pagbisita niya sa studio ng aktres na si Ciara Sotto kung saan siya nagtuturo at nagpa-practice ng pole dancing.
Ang nakalagay na caption sa kanyang video, “Mga anak! Mag po-pole dancing naman ang Inay nyo ngayon.
“Nako basta para sa inyo, ieexplore ko ang lahat mapasaya lang ang mga anak ko. O tara, panoorin na natin ang new vlog na ito,” aniya pa.
“NAKAKALOKA! Another vlog, another challenge na naman! This time, magpapaturo tayo ng Pole Dancing sa isa sa mga anak-anakan ko, the one and only @pinaypole (Ciara),” ang caption naman niya sa teaser ng vlog na naka-post sa Instagram.
Sa simulang bahagi ng vlog ng 57-year-old actress, inamin niya na nagdadalawang-isip siyang subukan ang pole dancing pero naniniwala si Teacher Ciara na kering-keri ito ni Maria.
Nabanggit pa ni Ciara na madali lang ito para sa veteran actress dahil magaling naman siyang sumayaw at tinawag pa ngang “dancing queen” dahil sa dance moves sa mga sumikat na kanta noong ‘80s tulad ng “Body Dancer” at “Rico Mambo”.
View this post on Instagram
Sinabi rin ni Maricel na payat daw siya ngayon pero may bilbil na sinagot naman ni Ciara ng, “Every body of a woman is beautiful. Pag nag-po-pole dancing kayo, hindi kami nagpapa-sexy.
“Kailangan lang talaga, kita ang balat para dumikit sa pole. Strong women tayo, fearless women, so kaya natin ito,” paalala niya sa lahat ng kababaihan.
Habang tinuturuan ang Diamond Star, naibahagi niya kung paano siya nagsimulang mag-pole dancing habang naninirahan noon sa Amerika.
“Kasi nu’ng nakatira ako sa (Las) Vegas, meron kaming weight requirement nu’ng may show kami. Sabi nila hindi ka puwede tumaba kasi babawasan yung suweldo mo.
“So, sabi ko kailangan ko nang mag-workout. Hindi ako nagwo-workout dati, eh. So naghanap ako ng workout sa isa sa mga dance studios du’n sa Las Vegas tapos nakita ko may workout na pole dancing.
“Sabi ko, ‘Ay, heto na lang!’ Kasi tamad na tamad ako mag-gym, mag-treadmill. Tamad na tamad talaga ako.
“So pole dancing will increase your flexibility, tone your muscles, and help with your endurance and stamina. Tapos it will strengthen your core, whether you like it or not,” aniya.
Super amazed naman si Maria nang magpasampol si Ciara ng basic beginner moves hanggang sa pinakamahirap na galawan ng isang pole dancer. Talagang bilib na bilib siya sa anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa.
“Ang ganda panoorin anak. Oh my God, ang galing! Sabi ko parang magic ito kaya ang hirap-hirap pala. Sabi ko sa inyo, hindi madali ang mga bagay bagay.
“Pero siyempre, ito ang masasabi ko, kailangan talaga sa bawat bagay na gusto natin, kailangan talaga gustong-gusto mo ang gagawin mo.
“Kahit sa trabaho, dapat masaya ka pag nagtatrabaho ka. Dapat gusto mo ang ginagawa mo. Importante yun di ba?” pahayag ng Diamond Star.
https://bandera.inquirer.net/287727/ciara-sotto-wala-pa-ring-swerte-sa-lalaki-hiwalay-na-sa-dyowang-fil-am
https://bandera.inquirer.net/312492/maricel-naiisip-na-ring-mag-retire-sa-showbiz-pero-hindi-ko-siya-pwedeng-talikuran
https://bandera.inquirer.net/318618/ciara-sotto-sa-mga-may-partner-na-cheater-ihatid-mo-sa-pintuan-palabas-sipain-mo-pa
https://bandera.inquirer.net/290914/andi-ibinandera-ang-wagas-na-pagmamahal-kay-philmar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.