Alfred Vargas na-miss ang yumaong ina nang makaeksena si Ate Guy: 'Naramdaman ko talaga yung 'Nora Aunor Magic' | Bandera

Alfred Vargas na-miss ang yumaong ina nang makaeksena si Ate Guy: ‘Naramdaman ko talaga yung ‘Nora Aunor Magic’

Ervin Santiago |March 21,2023
facebook
share this

Alfred Vargas na-miss ang yumaong ina nang makaeksena si Ate Guy: ‘Naramdaman ko talaga yung ‘Nora Aunor Magic’

Ervin Santiago - March 21, 2023 - 06:49 AM

Alfred Vargas na-miss ang yumaong ina nang makaeksena si Ate Guy: 'Naramdaman ko talaga yung 'Nora Aunor Magic'

Alfred Vargas at Nora Aunor

BIGLANG na-miss ng Kapuso actor at public servant na si Alfred Vargas ang kanyang yumaong nanay nang dahil kay Superstar Nora Aunor.

Naging emosyonal si Konsehal Alfred matapos kunan ang madadramang eksena nila ni Ate Guy sa pelikulang “Pieta” na siya rin ang nagprodyus, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Ayon sa aktor, naalala raw niya ang inang si Susana “Ching” Vargas na pumanaw noong 2014 matapos makipaglaban sa cancer habang kasama si Nora Aunor na gumaganap nanay niya sa “Pieta.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Nag-post si Alfred ng litrato nila ni Ate Guy sa Instagram na may caption na, “#SENTISABADO muna, guys. Namiss ko tuloy bigla ang nanay ko.

“First time ng ating one-and-only Superstar and National Artist Nora Aunor na gumanap ng isang character na nabubulag at may Alzheimer’s.

“Ibang Ate Guy ang makikita ninyo dito #PIETAmovie kahit na she’s done hundreds of roles na in her illustrious career.

“I play her son, ISAAC, na nakulong ng mahabang taon at naghahanap ngayon ng katotohanan,” ang pagbabahagi ng konsehal.

Proud na proud pa niyang pahayag patungkol sa award-winning veteran actress at National Artist, “Ibang klaseng artista talaga si Ate Guy. Magical at nakakamangha. Naramdaman ko mismo ang ‘Nora Magic’ tuwing magkaeksena kami.

“She has that unbelievable command of both her heart and art, expressing nuances so effectively that she pulls in her spectators, unaware, to a world of her sincere creativity.

“Naramdaman ko sa mga eksena na parang nanay ko siya talaga!

“In these days that I’ve been so blessed to work with her—alongside legends like Direk Gina Alajar, Jaclyn Jose & Bembol Roco—I cannot help but feel that this movie has already made me a better person and artist. It has changed me.

“Kaya’t nag-uumapaw ang excitement ko para sa araw na mapapanood na ninyo sa wakas ang #PIETAmovie!” mensahe pa ni Konsi Alfred.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Samantala, nagbahagi rin si Alfred ng kanyang saloobin tungkol sa teleserye niya sa GMA 7 na “AraBella” kasama sina Camille Prats at Wendell Ramos.

Kalakip ang BTS O o behind the scene photos na ipinost ng aktor,  ibinahagi niya ang kaligayahang nararamdaman habang ginagawa ang serye.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas umakyat ng ‘ligaw’ kay Ate Guy: ‘Sobrang kaba…inalok niya akong kumain ng buchi, ng pizza saka pancit’

“Ang saya makatrabahong muli si @wendellramosofficial dito sa #AraBella. Dati, nagkakasama lang kami tuwing nagge-guesting ako sa @BubbleGang.

“Ang tagal na pala noon, hindi ko napansin. Si Wendell pa ang nagkwento sa akin ng mga young kulitan days namin.

“Nang nasa Bubble Gang siya, nasa Nuts Entertainment naman ako noon. Magkasama din kami before sa mga fashion shows sa Araneta Coliseum! Those were the days. Haha!” pagbabalik-tanaw ni Alfred.

Pagpapatuloy niya, “Ngayon naman dito sa #AraBella, matutunghayan niyo kami ni Wendell sa isang @gmanetwork family dramang magpapaiyak sa inyo & magpapatibok ng inyong mga puso.

“Sa first week ng showing ng #AraBella, sobrang grateful tayo sa lahat ng nagtangkilik & sa napakagandang ratings na natanggap ng @gmadrama teleserye natin!

“I’m excited para inyo & sa susunod na mga araw—matutunghayan na natin ang friendship & rivalry nina Ariel (by yours truly) & Gary (played by Wendell),” sabi pa ni Councilor Alfred.

Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Guy ilang beses nakaligtas kay Kamatayan, maswerte raw dahil malakas kay Lord: ‘May himalaaaa!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending