Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023 | Bandera

Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023

Ervin Santiago |December 28,2022
facebook
share this

Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023

Ervin Santiago - December 28, 2022 - 08:37 AM

Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023

Alfred Vargas, Nora Aunor at Adolf Alex, Jr..

NATUPAD na ang isa sa matagal nang pinapangarap ng award-winning actor at public servant na si Alfred Vargas.

Yan ay ang makasama sa pelikula ang National Artist at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, na ididirek ng isa pang magaling at nirerespetong filmmaker sa bansa nasi Adolf Alix, Jr..

Sabi ng Quezon City 5th District Councilor, ito ang unang pagkakataon na makakasama at makakatrabaho si Ate Guy kaya naman ngayon pa lang ay super excited na siya.

“First time kong makakatrabaho si Ate Guy and I am beyond excited!” sabi ni Alfred. Aniya pa, “Dream come true to do a project with the one and only Superstar, Ms Nora Aunor.”

“Long overdue naman magka-project with direc Adolf. Before pa dapat kami nakagawa  ng pelikula hindi lang natuloy. This time, ito na,” dugtong pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🌸 𝐘𝐚𝐬𝐦𝐢𝐧𝐞 𝐄. 𝐕𝐚𝐫𝐠𝐚𝐬 🌸 (@yasmine_vargas2307)


Samantala, malaki rin ang paghanga ni Alfred kay direk Adolf, “I admire the body of work of direc Adolf at masarap siyang katrabaho. Isa siya sa mga pinakamagagaling na young directors.”

Wala pang titulo ang pelikulang pagsasamahan nina Alfred at Nora pero kuwento ng aktor, “It’s a meaningful mother and son story na isinulat ni Gerry Gracio.

“May element na first time gagawin ni Nora in the big screen at ako naman first time ko rin sa role na ito,” sabi pa ng actor-producer tungkol sa pelikula na isang drama at may halong action at suspense.

Magsisimula ang shooting sa first quarter ng 2023 at next year din ipalalabas. Sa ngayon ay nasa script development stage pa lang daw sila.

“Gusto ko ang chemistry namin nagkakaintindihan at pareho kami ng vision for the project. i know I can trust him with everything,” sabi pa ni Alfred.

Inamin pa ng aktor na ngayon pa lang ay kinakabahan na siya sa pagsasama nila ni Ate Guy, “Bata pa lang ako fan na niya ako. Paano kaya kung kasama mo na sa eksena? Wow! Grabe!

“I met her na personally to talk about the project at napakabait at hospitable niya. Na-starstruck ako, I was just trying to act calm sa harap niya. Nagpa-picture ako sa kanya after at super happy ako,“ sabi pa ng aktor.

Samantala, sa bahay lang nila sa  nag-celebrate ng Christmas si Alfred kasama ang kanyang pamilya, “We invited our relatives here. Masarap ang Food, kanya-kanyang dala, potluck.

“May program din kami na kumanta ang kids kong sina Alexandra, Aryana and Cristiano. Tuwang-tuwa lahat sa performance nila. Tingin ko mayroon sa kanilang tatlo ang mag-aartista rin tulad ko balang araw. Nakaka-proud talaga kapag nakakapagpasaya ang mga anak mo,” pagbabahagi pa ni Alfred.

At sa New Year, sa bahay ng kapatid niya sa Loyola naman sila magse-celebrate magkakapatid kasama si Cong. PM Vargas.

Ang wish niya ngayong New Year, “Sana lalo kong ma-nurture ‘yung mga important relationships ko sa buhay. I realized kasi that life is about meaningful relationships talaga.

“Yan magpapaligaya sa iyo at ang mga tunay mong kaibigan ang mag-aangat at tutulong sa iyo sa buhay. Tumatak ‘yan sa akin nitong pandemic.

“Kaya for my New Year’s resolution, iiwas na ako sa mga taong plastic at nega. Tatanggalin ko na sila sa buhay ko. Ha-hahaha!” sabi pa ni Konsi Alfred.

Alfred Vargas hindi lalayasan ang showbiz: Acting will always be my passion, it’s my first love, pero…

Iniwan natin ang showbiz para maglingkod sa kapwa…mas naging makabuluhan ang aking buhay – Alfred Vargas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alfred hindi pa kering sumabak sa lock-in taping; paandar na online raffle suportado ng mga celebs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending