Andrew E pinatunayang ‘may forever’ sa misis na si Mylene Espiritu: Sa hirap at ginhawa ikaw ang kasama | Bandera

Andrew E pinatunayang ‘may forever’ sa misis na si Mylene Espiritu: Sa hirap at ginhawa ikaw ang kasama

Pauline del Rosario |March 10,2023
facebook
share this

Andrew E pinatunayang ‘may forever’ sa misis na si Mylene Espiritu: Sa hirap at ginhawa ikaw ang kasama

Pauline del Rosario - March 10, 2023 - 08:06 AM

Andrew E pinatunayang ‘may forever’ sa misis na si Mylene Espiritu: Sa hirap at ginhawa ikaw ang kasama

PHOTO: Instagram/@andrewe_dongalo

INILARAWAN ng veteran rapper at komedyanteng si Andrew E. kung gaano katibay ang pagmamahalan nila ng kanyang misis na si Mylene Espiritu.

Sa pagdiriwang ng kanilang ika-23rd anniversary bilang mag-asawa ay ibinandera ng rapper ang ilang throwback moments.

Kabilang na riyan ang kanilang travel pictures sa iba’t-ibang bansa at wedding photos.

Ayon pa kay Andrew E., ano man ang pagdaanan nila sa kanilang buhay ay nandyan parati ang kanyang misis.

“23 Years Today! Always and steady together — Sa hirap at ginhawa ikaw ang kasama hanggang sa magtagumpay at magkaroon ng isang masayang pamilya na pinagpapasalamat ko sa ating mahal na Panginoon,” caption niya.

Dagdag pa niya, “You are the Tweety given to me when I had nothing and still the Tweety enjoying the perks outpouring from all dear sacrifices [red heart emojis].”

Baka Bet Mo: Sey daw ni Kuya Germs kay Andrew E nang mag-audition sa That’s Entertainment: ‘OK, thank you! Next…’

“Happy Anniversary with love coming from the greetings of my lips and the embraces of my heart…!!!,” ani ng rapper.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrew E. (@andrewe_dongalo)

Nagpaabot naman ng mga pagbati ang maraming netizens at narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa:

“‘Yan ang idol sa lahat! Mapa-career at pamilya [red heart emoji],” sey ng isang fan.

Saad ng isang netizen, “Happy 23th wedding anniversary po sir Andrew, sa Inyo ni ma’am, may God bless you and grant you a long life,and good health.”

Pagbati ng isa pang IG user, “old photos love itttttt [red heart emoji] happy anniversary both of you my favorite comedy in the Philippines the one and only Andrew E.”

Matatandaang noong March 9, 2000 nang ikinasal sina Mylene at Andrew E.

Mayroon silang tatlong anak na sina Fordy, Jassley, at Ichiro.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab kinausap si Andrew E ukol sa hit song na ‘Humanap ka ng Pangit’: Kahit pangit ngayon ay nagloloko

Mylene Dizon galit na galit pa rin sa pagpapasara sa ABS-CBN: I’m still naiinis about it

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending