Zeinab kinausap si Andrew E ukol sa hit song na 'Humanap ka ng Pangit': Kahit pangit ngayon ay nagloloko | Bandera

Zeinab kinausap si Andrew E ukol sa hit song na ‘Humanap ka ng Pangit’: Kahit pangit ngayon ay nagloloko

Therese Arceo |June 04,2022
facebook
share this

Zeinab kinausap si Andrew E ukol sa hit song na ‘Humanap ka ng Pangit’: Kahit pangit ngayon ay nagloloko

Therese Arceo - June 04, 2022 - 11:19 AM

Zeinab kinausap si Andrew E ukol sa hit song na 'Humanap ka ng Pangit': Kahit pangit ngayon ay nagloloko

TRENDING na naman ang social media influencer na si Zeinab Harake matapos nitong ilabas ang kanyang latest vlog na may titulong “Kahit Pangit Ngayon Ay Nagloloko”.

Sa naturang vlog ay nag-guest siya sa show ng kanyang kaibigang si Yassi Pressman na “Rolling In It” kung saan nakasama niya si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Gomez at ang rapper-comedian na si Andrew E.

Dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Zeinab na makausap ang kumanta ng hit song na “Humanap Ka Ng Panget” na talaga namang alam na alam at memoryado ng halos lahat sa ating henerasyon.

“Nandito si Andrew E, gusto ko siyang kumprontahin kasi gusto kong malaman talaga kung anong nangyari eh,” natatawang sabi ni Zeinab.

Pabiro niya itong nilapitan at tinanong kung bakit hindi naman ata tumalab sa kanya ang payo ni Andrew E sa kanta.

“Puwede po ba kayo makausap sa vlog ko?” saad ni Zeinab nang makalapit sa rapper-comedian.

“Gusto ko maitanong bakit yung lyrics niyo, sabi niyo, ‘Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, humanap ka ng panget at ibigin mo nang tunay’.

“Ginawa ko naman. Pero alam mo yun… Lodi ko po kasi kayo mula pagkabata ko, e. Naniwala po ako dun,” mahabang sey ni Zeinab.

Sagot naman ng rapper, “Well, tama ka naman. Sinabi ko ‘yun. Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay.

“Pero sinabi ko ‘yun nung 1991. Hindi ko sinabi ‘yun para pang 2022.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

 

Dagdag pa ni Andrew E, “So siguro wala ng bisa yun.”

“So tama si Donna ngayon?” sabi ni Zeinab na ang pinatutungkulan ay ang kantang “Di Lahat” ng kaibigang si Donnalyn Bartolome.

“‘Sorry, Andrew E. Iba na ang panahon. Kahit pangit ngayon ay nagloloko.’ Tama si Donna. So, binago na po. Huwag po tayo maniwala kay Sir Andrew E, sa lyrics niya. Kay Donna na tayo maniwala,” pa-joke na sey ni Zeinab.

Sa last part ng kanyang vlog ay sinabi niyang “idol” nya talaga ito at humingi rin ng tawad dahil baka may ma-offend siya.

“Pasensiya na po nagdyo-joke lang ako kanina. Kasi curious talaga ako, e. Kasi siya nagpauso nun. Tapos ngayon, alam ko na tama si Donna. Hindi na siya uso ngayon,” hirit niyang muli.

Nagbigay rin ng advice si Zeinab na tila hugot niya sa kasalukuyang lagay ng kanyang love life.

“Make sure na pangit man iyan o guwapo, dapat di kayo sinasaktan kasi walang may deserve na saktan at lokohin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

Andrew E game na game pa ring makipaghalikan sa pelikula, jackpot sa 2 seksing leading lady

Zeinab Harake sinagot ang paratang ukol sa isyung pinagdaraanan: Sana nga prank o scripted!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending