Andrew E game na game pa ring makipaghalikan sa pelikula, jackpot sa 2 seksing leading lady Bandera

Andrew E game na game pa ring makipaghalikan sa pelikula, jackpot sa 2 seksing leading lady

Reggee Bonoan |September 15,2021
share this

Andrew E game na game pa ring makipaghalikan sa pelikula, jackpot sa 2 seksing leading lady

Reggee Bonoan September 15, 2021 - 08:51 AM

Sunshine Guimary, Andrew E at AJ Raval

MAHIGIT tatlong dekada na si Andrew E sa kanyang showbiz at singing career na nagsimula noong 1985.

Natikman ni Andrew ang una niyang blockbuster movie sa Viva Films, ang “Humanap Ka Ng Panget” noong 1990 na ibinase sa sinulat niyang kanta na may katulad na titulo.

Sa mga panahong iyon ay nagkasunud-sunod na ang pelikula ni Andrew at halos lahat ay blockbuster at siyempre bilang bida ay may leading ladies siya na nagkaroon siya ng kissing scenes.

Sa “Shoot! Shoot!” zoom mediacon ng aktor at rapper kasama sina AJ Raval at Sunshine Guimary na idinirek ni Al Tantay for Viva Films ay natanong siya kung ano ang pakiramdam na ang mga kasama niya ngayon ay di hamak na mas bata sa kanya at may kissing scene pa.

“Yes, napaka-unbelievable. Bago nga ako makarating sa word na flattering, e, doon muna ako sa unbelievable na hindi ako makapaniwala talaga na may ganu’n chance lalo na sa pelikula.

“Maiintindihan ko ‘yan kung pagdating sa mga kanta o record producing, pero sa movie ang hirap ispelengin ‘yun. Is it a fact? Is it just happening because of right timing or coincidence, I don’t know.

“Ang hirap maintindihan, but the question of 30 years and still doing it maybe there is a reason for that, the appreciation from Boss Vic (del Rosario), maybe he still finds me until now a person who can deliver maybe.

“And plus a person who can create still tipong kagigiliwan ng tao na ang isang underdog like me would be ending up in the arms of good looking ladies, maybe di ba?” sagot ni Andrew na umaming nahirapang sagutin ang tanong.

At dahil may kissing scene si Andrew sa batang leading lady niya na si AJ na anak ni Jeric Raval na kasabayan niya noong pumasok sila sa showbiz ay natanong kung nagpasintabi siya sa tatay ng dalaga lalo’t Viva artist din ito.

Balik-alaala ni Andrew, “Sabay kaming nag-artista o baka mas nauna siya o hindi 30 years ago, I just can’t remember and we landed on both sides o opposing camps, Viva ako and Octo (Arts) siya, di ba?

“Hindi ka nagkaroon ng chance na magkaroon ng camaraderie o ng friendship kasi nasa ibang mother unit or mother studio.

“And TV wise hindi rin naman siya (Jeric) nag-TV (show) I think and ako paminsan-minsan lang at movie ay mas marami.

“But there was one day sa 30 years na yan, somehow 6 or 7 years ago nagkasama kami sa isang concert sa Jolo, Sulu. So doon ako nagkaroon ng chance na ma-meet siya and he’s a good person and what I discovered was katulad ko rin na collector ng mga toy cars.

“So binigyan niya ako ng mga hints and mga advice and ano ‘yung mga toy cars na dapat kino-collect things like that.

“But then again sure ball ako na sa first time na-meet ko siya nandoon pa rin ‘yung pagiging action star niya and I really like it.  He lives to that genuine aura of an action star. And after that wala na (hindi na nagkita).

“So, kung pasintabi ang tanong hindi ako nagkaroon ng chance and the next thing I knew was meron na akong movie with AJ so, you know everything happened naturally and was never thought of that and kasi hindi ko naman alam na anak niya si AJ coming to the movies.

“Ako naman hindi ko rin alam na there was Shoot! Shoot! (movie) na magbabalik mula sa sa lunggaan 18 years ago biglang maghi-hit.  So, I never knew about that, I didn’t see it coming,” paliwanag ng aktor.

Kaya abangan ang bagong pelikula nina Andrew E, Sunshine Guimary at AJ Raval starrer mula sa Viva Films na mapapanood sa Okt. 8 sa Vivamax mula sa direksyon ni Al Tantay.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending