Zeinab Harake sinagot ang paratang ukol sa isyung pinagdaraanan: Sana nga prank o scripted! | Bandera

Zeinab Harake sinagot ang paratang ukol sa isyung pinagdaraanan: Sana nga prank o scripted!

Therese Arceo |April 20,2022
facebook
share this

Zeinab Harake sinagot ang paratang ukol sa isyung pinagdaraanan: Sana nga prank o scripted!

Therese Arceo - April 20, 2022 - 10:37 PM

Zeinab Harake sinagot ang paratang ukol sa isyung pinagdaraanan: Sana nga prank o scripted!
NAG-REACT ang vlogger na si Zeinab Harake sa patutsada sa kanya pati sa ama ng anak niyang si Skusta Clee ng kapwa vlogger na si Mark Jayson Warnakulahewa o mas kilala bilang Makagag*.

Nag-post kasi si Makagag* ng 16-minute video sa YouTube kung saan ang mag-partner na kasalukuyang on the rocks ang relasyon ang naging sentro ng usapan.

Aniya, 70% daw ng nangyayari kina Zeinab at Skusta Clee ay scripted lamang dahil trabaho nila ito (ang pagba-vlog). Tiyak daw na magkakaayos rin ang dalawa sa huli para mabuo ang kanilang pamilya lalo na at may anak na silang dalawa.

“Kasi YouTube is a big reality show. Lagi n’yong tatandaan yan. That’s their job so they must do it. They must do something for it to go further,” saad ni Makagag*.

Pinabulaanan naman naman niya ang isyu na si Zeinab ang nagloko sa kanilang relasyon dahil kilala daw niya ito at mas lamang pa rin na si Skusta ang magloko sa dalawa tulad noon.

Bagamat batid niyang talagang nagbago ang rapper simula nang dumating sa kanilang buhay si Baby Bia ay naniniwala siyang may epekto pa rin ang mundong ginagalawan ng rapper sa nangyayari.

 

 

Agad namang nag-react si Zeinab sa video na ipinost ni Makagag*.

“Hello kuya napanood ko. Sana nga prank or scripted na lang para di masakit sakin halos ikamatay ko na, sasabihin scripted?” saad ng ina ni Baby Bia.

Ani Zeinab, hindi raw siya tulad ng ibang vloggers na gumagawa ng content na scripted para lang may pagkakitaan.

“Di importante pera sakin alam kong kilala mo ko. Ayun lang masyado kasing madaming patalo na naniniwala sa mga opinion ng iba. Godbless sa inyong lahat,” dagdag pa niya.

 

 

Matatandaang nag-viral kamakailan sina Zeinab at Skusta Clee matapos ibalita ng vlogger ang pagkawala ng kanilang pangalawang anak na pinangalanan niyang si Baby Moon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

 

Bukod sa nakalulungkot na balita ay umugong rin ang balitang hiwala na ang dalawa dahil wala ito sa mga post at hindi rin siya nababanggit ng Team Zebby sa mga mensahe ng kanilang pakikiramay.

Wala pa namang statement sina Zeinab at Skusta Clee kung may katotohanan nga ba ang mga kumakalat na chika.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng dalawa hinggil sa isyu.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

Zeinab Harake nagluluksa sa pagkawala ng ika-2 anak: My baby boy rest ka na, mahal na mahal ka namin…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending