Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake? Bandera

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Therese Arceo |April 16,2022
share this

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Therese Arceo April 16, 2022 - 01:58 PM

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung ano na nga ba ang estado ng relasyon ng rapper at miyembro ng Ex-Battalion na si Skusta Clee at vlogger na si Zeinab Harake.

Nagsimulang kumalat ang chika na hiwalay na ang dalawa matapos ianunsyo ng vlogger ang pagkawala ng kanilang ikalawa sanang anak na pinangalanan niyang Moon.

Marami kasi ang nakapansin na hindi binanggit ni Zeinab ang pangalan ng partner at tatay ng mga anak na si Skusta Clee o Daryl Borja sa totoong buhay.

Maski ang kanyang mga kaibigan ay walang pagbanggit sa Ex-Battalion member at pawang si Zebby lang at ang baby nitong si Bia ang mga nasa post nila ng pakikiramay.

Maging ang mga larawan ni Skusta Clee ay hindi na rin makikita sa Instagram account ni Zeinab.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Samantala, nananatili naman ang mga larawan ni Skusta kasama si Zeinab sa kanyang IG.

At ngayon nga’y isang isyu na naman ang kumakalat na diumano’y may nabuntis ang rapper na ibang babae kaya naghiwalay ang dalawa.

Tila may koneksyon naman ito sa tweet ng isa sa malalapit na kaibigan ni Zeinab na si Melissa Enriquez.

“2 months na matapos ang Valentines. Malapit na din bumukol yan be. Kung ako sayo umamin ka na sa nanay mo,” saad nito.

Marami naman ang agad na nag-comment at nakiki-chika kung sino ang tinutukoy ng kaibigan ni Zeinab sa kanyang post.

Wala naman itong naging sagot sa mga tanong ng netizens kaya nananatiling palaisipan kung ano nga ba talaga ang katotohanan lalo na’t maraming fans ang dalawa.

Mukhang may laman ang mga Instagram stories ni Zeinab.

“Babalik ako sa dating ako promise ko sa inyo yan. Papalakas lang ate nyo,” saad nito sa isang IG story.

Ang sumunod naman ay isang video ni Zeinab kung saan ni-lip sync niya ang kanta ni Bruno Mars na “Grenade”.

“You said you loved me, you’re a liar ’cause you never, ever, ever did, baby” pag-lip sync ni Zebby na mas lalong nagpaigting ng mga haka-hakang nagloko ang kanyang partner.

Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabalitang naghiwalay ang dalawa dahil noon pa man ay on and off na ang kanilang relasyon.

Pero hindi tulad noon, hindi inakala ng mga tagasuporta nina Zeinab at Skusta na muling magkakaroon ng isyung hiwalayan ang dalawa lalo’t nabiyayaan na sila ng isang anak na si Baby Bia.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag nina Zeinab at Skusta Clee ukol sa isyu.

 

Related Chika:
Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

Zeinab Harake nagluluksa sa pagkawala ng ika-2 anak: My baby boy rest ka na, mahal na mahal ka namin…

Vlogger Zeinab Harake ipinakita na ang mukha ng baby nila ni Skusta Clee: Meet Baby Zebbiana!

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending