Vlogger Zeinab Harake ipinakita na ang mukha ng baby nila ni Skusta Clee: Meet Baby Zebbiana! | Bandera

Vlogger Zeinab Harake ipinakita na ang mukha ng baby nila ni Skusta Clee: Meet Baby Zebbiana!

Ervin Santiago |June 22,2021
facebook
share this

Vlogger Zeinab Harake ipinakita na ang mukha ng baby nila ni Skusta Clee: Meet Baby Zebbiana!

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 09:05 AM

EXCITED na ipinakilala ng sikat na vlogger at first time mom na si Zeinab Harake ang baby nila ng  rapper at composer na si Skusta Clee.

Sa kanyang Instagram post kamakalawa, ipinakita ni Zeinab sa kauna-unahang pagkakataon ang mukha ng kanyang super cute na baby girl.

Ito’y matapos ngang i-reveal ng kilalang vlogger ang buong pangalan ni Baby Bia sa pamamagitan ng kanyang vlog dedicated for her daughter.

“Ang real name ni Bia is…siya ang totoong Zebbiana. Yehey! Opo, totoo po. Zebbiana po ang pangalan niya. So, ang full name niya is Zebbiana H. Ruiz,” pahayag ni Zeinab sa nasabing YouTube video.

Ipinaliwanag naman niya sa kanyang mga subscribers kung bakit iyon ang napili niyang name para sa first child nila ni Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay.

“Zebbiana kasi is kanta ng daddy niya sa akin noong 2019. So, naisip ko sobrang historical nu’ng kantang ‘yun para sa aming dalawa.

“So, naisip ko ibigay sa pangalan ng anak namin,” aniya pa.

Isang netizen naman ang nagtanong sa kanya kung kailan nila ipakikita ang face ni Baby Bia sa publiko. Sabi ni Zeinab, basta sosorpresahin na lang daw niya ang madlang pipol.

“Hindi ko sasabihin. Bibiglain na ang namin kayo. It’s a surprise! Ganu’n..Makikita n’yo na lang siya. Siguro, hindi na lang ako magbibigay ng clue.

“Basta magugulat na lang kayo. Biglang boom! Ayan na. Kapag pinromote na namin na ito na ‘yung mukha ni Bia, ayon na ‘yon. Abangan n’yo na lang sa mga social meia platforms namin,” aniya pa.

At tinupad naman nina Zeinab at Skusta ang promise nila sa kanilang supporters kahapon. Ipinost ng mommy vlogger sa Instagram ang boomerang image nila ni Baby Bia.

Aniya sa caption, “Follow Bia on her instagram account @zebbiana_.” Makikita naman sa official IG account ng sanggol ang napaka-cute niyang close-up photo.

Ibinalita rin Zeinab sa kanyang vlog na hindi na siya nagre-rent ngayon dahil nabili na nila ang bahay na tinitirhan nila sa Rizal kaya wala na siyang aalalahanin sa pagbabayad ng renta.

Samantala, naibahagi rin ng vlogger kung gaano challenging at kasaya ang maging mommy. Sa katunayan, ikinukuwento raw talaga niya ito kay Skusta.

“Sabi ko, ‘Mahal, alam mo ba ‘pag nakakalabas ako ng bahay feeling ko natatanggal ‘yung tali sa leeg ko.’

“Kasi bilang nanay, ako nape-pressure talaga ako. Kailangan lahat ng gawin ko accurate du’n sa pagiging nanay ko kay Baby Bia.

“Kapag konting galaw, sinisisi ko ‘yung sarili ko na parang napaka-walang kwenta kong tao.

“Ganun ‘yung utak ko siguro dahil sa postpartum (depression) ko nga, ‘di ko na maiiwasan ‘yon o mapipigilan ‘yon.

“But ayun nga, sinasabi ko sa kanya na natatanggal ‘yung tali sa leeg ko kasi feeling ko nakakahinga na ko.

“Like du’n sa paghinga ko, feeling ko malaya na ako. Pero ‘yung tali na ‘yun lumilipat sa puso ko na kailangan kong umuwi kasi kailangan kong umuwi sa anak ko, kay Bia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit sandali pa lang akong na nasa labas, umuuwi ako agad. So ayon. Nag-aalternate ‘yung tali sa dibdib ko tsaka sa leeg ko, but masaya. Masaya. Gagawin ko lahat para maging perfect mommy, maging best mommy,” tuluy-tuloy na pahayag ng mommy vlogger.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending