Eugene kay Pokwang: 'You give, give, give and now you fight, you stand up...you will survive! | Bandera

Eugene kay Pokwang: ‘You give, give, give and now you fight, you stand up…you will survive!

Ervin Santiago |February 12,2023
facebook
share this

Eugene kay Pokwang: ‘You give, give, give and now you fight, you stand up…you will survive!

Ervin Santiago - February 12, 2023 - 07:32 AM

Eugene kay Pokwang: 'You give, give, give and now you fight, you stand up...you will survive!

Eugene Domingo at Pokwang

SUPORTADO si Pokwang ng kanyang kaibigan at kapwa niya komedyana na si Eugene Domingo sa pakikipaglaban nito sa buhay bilang single mom.

Magkasama ang dalawang veteran comedienne sa pelikulang “Ten Little Mistresses” at nakikisimpatya raw si Uge sa mga pinagdaraanan ngayon ni Pokey sa kanyang personal life.

Alam daw ni Eugene ang mga isyung kinasasangkutan ngayon ni Pokwang, kabilang na ang paghihiwalay nito at ng American actor na si Lew O’Brian.

Kaya naman nang makahanap ng pagkakataon habang nag-e-explain tungkol sa women empowerment na siyang tema ng bago niyang pelikula, nagbigay siya ng mensahe para kay Pokey.

Eugene Domingo muntik nang mabiktima ng online scammer: Ang aga-aga nagpabudol ako!

Nasaksihan daw kasi niya kung paano nakipaglaban si Pokwang para sa pag-ibig kaya alam niya kung saan nanggagaling ang sakit na naramdaman nito noong maghiwalay sila nila ni Lee.

“You loved. You tried to stand everything. You give, give, give. And now you fight. You stand up. You will survive,” ang message ni Uge sa kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Um-agree naman si Pokwang sa sinabi ng co-star nila sa pelikula na si Agot Isidro aboyt self-worth and self-respect.

“Kailangan mo pakiramdaman ‘yung mga nangyayari sa palagid. Hindi palaging nasa ulap. Dapat maging wise ka,” sabi ni Pokey.

Eugene may bagong paandar sa Dear Uge; Ayra miss na ang tawanan sa set ng ‘Heartful Cafe’

Kinowt pa ng komedyana ang dialogue ni Cherry Pie Picache sa kanilang pelikula na isa pa sa natutunan niya sa pakikipagrelasyo.n

“Kapag nagmahal ka magtira ka sa sarili ko. Kasi kasasabi ko lang nu’n kailan lang,” sey ni Pokwang sabay tawa.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Pokey na never nagbigay ng financial support si Lee sa anak nilang si Malia at tinawag pa niya itong “palamunin.”

“Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala sya palamunin at limang taon walang child support! wag kana baka madamay ka sa demandahan namin,” pahayag ng Kapuso TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Dear Uge’ ni Eugene matsutsugi na: All things, even the good ones have to end…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending