Eugene Domingo muntik nang mabiktima ng online scammer: Ang aga-aga nagpabudol ako!
Eugene Domingo
HINDI rin nakaligtas ang Kapuso TV host-comedienne na si Eugene Domingo sa pambibiktima ng mga naglipanang sindikato sa social media.
Kuwento ni Uge, nabiktima rin siya ng sandamakmak na scammer sa socmed, partikular na sa Instagram na may kinalaman sa copyright violation.
Ang modus ng scammer ay para makuha ang private details ng mga IG users sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang representative ng Instagram Help Center.
Posible kasing bigla na lang maglaho ang account ng user sa Instagram kapag sinagutan ang form na ipinapadala mula sa isang phishing link, na muntik na ngang mangyari sa IG account ni Uge.
“I almost lost my IG account. Ang aga-aga nagpabudol ako dito. Mag-ingat sa ‘copyright infringement’ issue na hihingi ng fill out form link at code sa DM. # budolisreal #ingat #sobrangingat,” ang pahayag ng Tv host sa kanyang Instagram post kamakailan.
“Budols play with your ‘vulnerable’ side. Or ‘yung sa’n ka mahina or tanga,” ang warning pa ng komedyana matapos ngang maka-experience ng copyright infringement scam.
Ilang netizens naman ang nagpaliwanag kung paano nangyayari ang modus ng scammers. Ang siste, magpapadala ng mensahe ang scammer, na gumagamit ng verified account lara mas maging kapani-paniwala siya.
Kasunod nito, babalaan niya ang user tungkol sa kanyang mga IG post na hindi katanggap-tanggap sa kanilang community guidelines.
May panakot pa ang scammer ma kapag hindi nagbigay ng feedback o sagot ang user tungkol sa copyright infringement notice ay tuluyan nang mabubura ang account sa loob ng isa hanggang tatlong araw.
Siyempre, mapipilitan na ang user na sagutan ang copyright appeal form kung saan kailangang ilagay ang ilang personal information tulad ng birthday at password.
At kapag nakumpleto na ng user ang pagbibigay ng ilang personal na detalye ay pwede nang mag-log in ang scammer at tuluyan nang mawawalan ng access ang tunay na may-ari ng account.
View this post on Instagram
Isa sa mga tumulong kay Uge ay ang kaibigan niyang si Pokwang. Sey pa ni Eugene, dapat daw talaga ang madalas na pagpapalit ng password sa mga socmed accounts.
“It is truly helpful to have other ways to authenticate and to CHANGE PW (password) more often! I guess in all accounts & do not trust easily kahit mukhang official or real.
“You have ways to prove. Budols play with your ‘vulnerable’ side. Or ‘yung sa’n ka mahina or tanga. There,” paalala pa niya sa mga netizens.
Sa isang comment na nabasa namin, nabiktima rin daw ng online scam ang komedyanteng si Joey Paras. May nag-hack daw sa kanyang account para magamit sa panloloko.
Kung matatandaan, muntik na ring mabiktima ng scammer si Tom Rodriguez sa pamamagitan ng phishing schemes. Isa ring verified Instagram account ang nagpadala sa kanya ng copyright infringement notice pero hindi nagtagumpay ang scammer.
https://bandera.inquirer.net/301939/dear-uge-ni-eugene-matsutsugi-na-all-things-even-the-good-ones-have-to-end
https://bandera.inquirer.net/295802/bitoy-kasambahay-nabiktima-ng-online-scammer-kapag-hindi-nyo-in-order-just-say-no
https://bandera.inquirer.net/295651/willie-tinawag-na-scammer-ng-bagong-panganak-na-ginang-sige-scam-pa-manloko-ka-pa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.