Dianne ibinandera ang suporta kay Julie Anne: Don’t mind the bashers!
KATULAD ng magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz, ibinandera rin ni Dianne Medina ang kanyang suporta para sa singer-actress na si Julie Anne San Jose matapos masangkot sa kontrobersiya recently.
“Mahal na mahal ka namin at alam natin kung ano talaga ang nangyari — ‘yun ang importante,” bungad ng TV host-actress sa isang Facebook post na shinare ang official statement ng Sparkle GMA Artist Center.
Giit pa ni Dianne, “Wala kang kasalanan.”
Mensahe pa niya kay Julie Anne, “We’re just here for you no matter what. Please don’t mind the bashers!”
“Jesus Loves you! We Love you always [sparkling red heart emoji,” aniya pa sa post.
Baka Bet Mo: Boy sa viral concert ni Julie Anne sa simbahan: I know it was wrong
Kung nabasa niyo ang nauna naming naisulat patungkol sa naging mensahe ni Rodjun sa Kapuso singer, halos pareho lang ang ipinapahiwatig nila ni Dianne.
Sey sa bahagi ng Instagarm Story ng mister ng TV host, “Professional ka lang talaga at iniisip mo lang palagi na mapasaya at ma-inspire ang mga audience mo.”
Si Rayver naman, tiniyak na nandyan lang siya palagi para sa kanyang girlfriend.
“[I] will forever be by your side to hold you and be with you all the time. Let’s keep our faith and make it stronger. I love you so much,” wika niya sa IG.
Magugunitang binatikos ang Kapuso singer matapos kumalat sa social media ang video na kinakanta ang “Dancing Queen” ng ABBA sa harapan ng altar ng isang simbahan.
Nangyari ito noong October 6, kung saan isa si Julie Anne sa mga nag-perform para sa “benefit concert” na ginanap sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Bukod dito, may isa pang video ang kumalat sa TikTok kung saan lumapit naman si Julie Anne sa audience habang kinakanta ang “The Edge of the Glory” ni Lady Gaga.
Bukod sa Sparkle at kay Julie Anne, naglabas din ng public apology ang Apostolic Vicariate of San Jose sa Mindoro, pati na rin ang parish priest ng Nuestra Señora del Pilar Shrine na si Rev. Fr. Carlito Dimaano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.