Vice Ganda: Kahit ang hirap mong ipaglaban, pipiliin pa rin kita Pilipinas
TALAGA namang mapapasabi ka ng “May nanalo na!” dahil tinapos na ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang laban sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” trend.
Ilang oras pa lang buhat nang ipinost ng “It’s Showtime” host ang video sa kanyang TikTok account ay agad na itong umabot ng 1 million views.
“Lagi kitang pipiliin Pilipinas [Philippine flag],” saad ni Vice sa caption.
Sa kasamaang palad ay na-mute o nawalan ng sound ang “Piliin Mo Ang Pilipinas” video ng Unkabogable Star.
Baka Bet Mo: Vice Ganda pinakiusapan noon ng ama ni Awra, huwag palayain agad
Bandera IG
Ngunit kahit na ganoon ay super thankful si Vice dahil napakarami pa rin ng mga tumangkilik sa kanyang entry.
“1Million views agad agad on tiktok kahit namute ang sound. Ok lang na walang music ang mahalaga marinig ang mensahe. Zenkyoooooow Madlang People!!!! #VGPiliinAngPilipinasChallenge,” saad ng “It’s Showtime” host sa kanyang tweet.
Kasabay ng pagrami ng views ng kanyang “Piliin Mo Ang Pilipinas” video ay ang pag-ani rin nito ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang people at mga kapwa celebrities.
“Exactly !!! [clapping emoji] such a serve ma,” saad ni Bretman Rock.
Sabi naman ni Kaladkaren sa video ni Vice, “VALEDICTORIAN KA MEME!!! Socially relevant [clapping emoji] I love you!!!”
“TINAPOS MO NA ANG LABAN, MEME!” hirit naman ng content creator na si AC Soriano.
Hindi lang kasi puro paganda ang laman ng video ni Vice dahil sinalamin rin niya ang iba’t ibang social issues na kinakaharap ng Pilipinas na hindi lahat ay matapang na i-discuss sa publiko.
Talaga namang ginamit ng komedyante ang kanyang platform para ipakita sa madlang people ang mga problema sa bansa at kahit na ang daming pagkukulang ay patuloy niyang ipaglalaban at pipiliin ang lupang sinilangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.