Bianca tinawag na malandi, haliparot at epal ng fans ni Jane | Bandera

Bianca tinawag na malandi, haliparot at epal ng fans ni Jane

Alex Brosas - August 16, 2014 - 03:00 AM


BINUWELTAHAN si Bianca Gonzalez ng mga fans ni Jane Oineza matapos mag-comment ang una sa pag-handle ng relasyon ng huli sa housemate na si Joshua Garcia.

Nagmaganda itong PBB Uber host na si Bianca kaya naman nakatikim siya ng pananaray ng mga supporters ni Jane na isa sa pinakamalakas na housemates sa Bahay ni Kuya.

Galit na galit ang supporters ni Jane kay Bianca dahil sa pang-e-epal nito sa buhay-pag-ibig ni Jane. Parang nagmamalinis daw kasi ang dating ni Bianca.

Noon kasing nasa loob siya ng Bahay ni Kuya ay nakipaglandian pa siya kay Zanjoe Marudo when she’s very much on with Lino Cayetano.

Tinawag si Bianca na malandi dahil kahit na meron siyang karelasyon ay nakipag-flirt pa ito kay Zanjoe sa loob ng PBB house.
Bianca quickly addressed the issue,  nag-post siya ng mahabang message sa kanyang Facebook account and later sa kanyang Twitter account.

“To all my bashers posting here on my Facebook page, welcome! Para sa kalaaman ninyo, hindi makakasira sa akin ang issue ninyo na panlalandi ko sa PBB noon pang 2006 kay Zanjoe, habang boyfriend ko noon si Lino.

Nasira na ako nun dati, pinagbayaran, at napagtagumpayan na rin. Matagal ko nang na-accept yan. Matagal na akong humingi ng sorry at napatawad nina Lino at Zanjoe, at matagal ko na ding napatawad ang sarili ko. Hindi naging madali, pero nalampasan ko din.

“Ngayon, may asawa na si Lino, may Bea (Alonzo) na si Zanjoe, at may JC (Intal) na ako. Kapag in-accept mo talaga ang pagkakamali mo o ang kahinaan mo, mas madali mo itong malalampasan.

Kaya muli, kung inaakala ninyong ikakasira ko ang pagbabalik ninyo ng issue na iyan, nagkakamali kayo. Muli, welcome kayo lagi dito sa page ko! I love bashers because they keep me grounded. –Bianca,” mensahe  ng TV host.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending