Vivamax star Jenn Rosa keber sa namboboso habang nakikipag-sex scene
WALANG paki ang Vivamax Bombshell na si Jenn Rosa kung may mga makakasilip habang ginagawa ang mga sex scenes niya sa pelikulang “Boss Ma’am.”
Sa isang tunay na opisina kasi kinunan ang latest Vivamax Original Movie at may mga empleyado talaga na nagtatrabaho roon habang nagsu-shooting sila.
Kaya naman sa naganap na mediacon para sa naturang digital GL (Girl’s Love) movie kamakailan ay natanong si Jenn at ang partner niyang si Vern Kaye kung hindi ba sila nag-feeling awkward sa set.
Posible kasing marinig ng mga empleyado roon ang mga sigaw at ungol nila habang kinukunan ang kanilang mga love scenes.
“Ako po, hindi kasi focus po talaga ako sa work. Kapag work, work! Parang bahala na kayo diyan, basta gawin ko lang ’yung trabaho ko,” sagot ni Jenn.
Sey naman ni Vern, hindi raw niya alam kung sino ang mga empleyado at miyembro ng production ang nasa opisina habang sinu-shoot nila ang pelikula.
View this post on Instagram
“Hindi ko alam na may empleyado pala doon, Direk (Iar Arondaing). Akala ko lahat ’yon mga staff namin,” natatawang chika ni Vern.
Sabi ni Direk Iar, nasabihan naman daw nila ang mga empleyado sa naturang office na huwag na munang sumilip o dumaan sa lugar kung saan sila nagsu-shooting.
“Wala naman po (nakiusyoso). Sinabihan naman po sila ng mga boss nila na may magsho-shoot. Tapos sinabi rin na VivaMax. Aware naman sila,” ani Direk.
In fairness, talagang game na game ang dalawang Vivamax stars sa mga sex scenes nila. Iba’t ibang posisyon din daw ang pinaggagawa nila sa pelikula na siguradong ikawiwindang ng manonood.
Iikot ang kuwento ng “Boss Ma’am” sa buhay ng isang makapangyarihang CEO na mahaharap sa tusong laro dahil sa isang affair sa isang empleyado.
Si Jenn Rosa ang gaganap bilang Boss Ma’am o si Vern Andrea Dixon (VAD), isang matapang na CEO ng isang malaking food company. Kilala si Vern na istrikto, dahilan kung bakit labis ang respeto at takot sa kanya ng kanyang mga empleyado.
Hanggang isang Sabado sa kanyang opisina, makikita ni Vern si Jojo (Aerol Carmelo), ang bagong maintenance worker na nag-aayos ng aircon. Makakaramdam siya ng atraksiyon dito, isang bagay na pareho nilang hindi matatakasan.
Mula rito, mag-uumpisa ang isang mainit na relasyon. Dahil sa kanilang affair, lilitaw ang lihim na kagustuhan ni Vern na ina-under siya pagdating sa sex, isang aspeto ng kanyang pagkatao na malayo sa pagkakakilala ng kanyang mga empleyado.
Habang umiinit ang kanilang relasyon, mas lumalaki rin ang kumplikasyon nang dahil kay Charm (Vern Kaye), ang tusong assistant ni Vern. Matutuklasan ni Charm ang affair nina Vern at Jojo, at agad niya itong gagamitin para sa sariling kapakinabangan.
Aakitin at kokontrolin niya ang kanyang boss kapalit ng kanyang pananahimik at pagtupad ni Vern sa kanyang mga kagustuhan.
Ngunit, si Charm nga ba ang tunay na may kontrol sa sitwasyon, o may mga plano si Vern para baligtarin ang laro? Tuklasin kung sino talaga ang mananaig na makapangyarihan sa mapanuksong kwento ng “Boss Ma’am.”
Napapanood na ngayon ang “Boss Ma’am” sa VMX.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.