Angeli Khang, Benz Sangalang buwis-buhay ang sex scenes sa erotic-drama na ‘Salakab’: ‘Puwede nilang ikamatay!’
BUWIS-BUHAY ang mga ginawang sex scenes ng Vivamax King and Queen na sina Benz Sangalang at Angeli Khang sa pelikulang “Salakab” na idinirek ng cult director na si Roman Perez, Jr..
Wala si Angeli sa presscon ng latest offering ng Vivamax kaya naman si Direk Roman ang nagkuwento sa ilang members ng entertainment media ng tungkol dito.
Biniro pa nga ang direktor na baka raw mas favorite ni Angeli si Direk Mac Alejandre dahil palaging present ang dalaga sa presscon ng mga ginawa nilang pelikula para sa Vivamax na ang huli nga ay ang sex-drama na “Sila Ay Akin.”
“Oo nga, parang mas pinapaboran na niya si Direk Mac, gayong sa akin naman siya nagsimula in ‘Taya’ more than two years ago.
“Buti nga pumayag pang magpadirek sa ‘kin dito sa ‘Salakab’. Ha-hahaha! Hindi, joke lang! Ang totoo, may sakit daw kaya hindi nakarating. Na-flu,” ang paliwanag ni Direk Roman.
Ipinagmalaki pa ng direktor na napakalaki na ng improvement ng akting ni Angeli mula nang nagkatrabaho sila two years ago.
“Mas lumakas ang screen presence at confidence niya, mas lumawak at lumalim ang range ng acting niya. She and Benz delivered their best. Not only sa intense dramatic scenes but also in the love scenes.
“Magugulat tiyak ang viewers dito kasi nag-love scene sila sa mga lugar na hindi mo mai-imagine na may magla-lovemaking doon.
“Buwis buhay nga kasi may sex scene sila sa ibabaw ng batuhan na kung magkamali sila at mahulog sila, puwede nilang ikamatay.
Baka Bet Mo: Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!
“But then, kahit mapanganib, ginawa rin nila, to show professional they are. Wala talaga silang reklamo sa lahat ng mahihirap na eksena na kinailangan nilang gawin for the movie,” sabi pa ni Direk Roman about their new erotic-drama.
Tungkol naman sa location ng kanilang shooting, napakahirap din daw ng naging karanasan nila rito, “Malapit na siya sa dulo ng Batangas, near Quezon.
View this post on Instagram
“We were looking for a remote, isolated island and the local government in Batangas helped us find it and even provided bancas for us na ginamit namin sa movie. We were there for two and a half weeks.
“Mahirap ang shoot, umitim kami sa araw, inabot kami ng ulan, but naitawid naman namin nang maayos,” kuwento pa ng cult director.
Bakit nga ba “Salakab” ang title ng bago niyang movie? “Salakab is a basket made of split bamboo used in catching fish, shrimps and crabs in shallow waters.
Baka Bet Mo: Sanya mas nahihirapan sa dami ng lengguwaheng kailangang i-memorize sa ‘Urduja’ kesa sa buwis-buhay na action scenes
“We use it here as a metaphor. When you say nasalakab mo ang isa tao, nahuli mo siya o na-trap siya while he’s doing something,” paliwanag ni Direk.
Iikot ang kuwento ng “Salakab” sa buhay ng mangingisdang si Arthur (Benz) at sa kababata niyang si Lena (Angeli) na sobra ang pagiging ambisyosa.
“It’s something that happens in real life. Angeli as Lena wants to study in Manila and get a college degree. Benz supported her para makapag-aral siya
“Mangingisda si Benz sa isla at ibinenta niya ang kanyang bangka para lang may pang-tuition si Angeli. Not only that, may ginawa pa siyang ibang bagay na ikaka-shock n’yo, mapag-aral lang ang babaeng minamahal niya,” kuwento ni Direk.
Pero may makikilalang ibang lalaki si Angeli (Jomari Angeles) kaya makakalimutan niya si Benz, “Ang maganda rito, hindi basta tinanggap ni Benz ang pagkatalo. Ipinalaban niya ang pag-ibig niya for Angeli.
“This is the first time na nagkapareha sina Angeli and Benz at marami silang madadramang eksena na nagampanan nila nang maayos,” papuri pa ng direktor sa kanyang mga artista.
Mapapanood na ang “Salakab” sa Vivamax simula sa November 17. Kasama rin sa movie ang baguhang Vivamax sexy star na si Sahara Bernales at Horace Mendoza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.