Vivamax star Ataska ayaw makisawsaw sa kaso ng ex-BF na si Sandro
HUMARAP sa ilang members ng entertainment press ang ex-girlfriend ni Sandro Muhlach, ang Vivamax star at singer na si Ataska.
Nangyari ito sa mediacon ng latest Vivamax Original Movie na “Uhaw” kamakailan kung saan makakasama niya ang Vivamax Queen na si Angeli Khang.
Ito ang unang pagkakataon na um-attend ng presscon si Ataska matapos lumantad si Sandro para isapubliko ang ginawa umanong panghahalay sa kanya ng dalawang independent contractor ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Baka Bet Mo: Miyembro ng Eraserheads inireklamo ng netizens, wag daw isama sa reunion concert
Kaya naman isa sa mga naitanong kay Ataska kung ano ang naging saloobin niya sa kinasasangkutang kontrobersya ng dati niyang boyfriend at kung paano niya ito sinuportahan.
“No comment po,” ang maikling sagot ng Vivamax star na inirespeto naman ng members ng media.
View this post on Instagram
Naibahagi rin niya na wala pa naman daw siyang nararanasang sexual harassment o sexual abuse sa ilang taon na niyang pamamalagi sa showbiz.
Ngunit aniya, hanga siya sa tapang ng mga biktima ng sexual harassment na lumalaban para maparusahan ang mga taong gumagawa ng naturang krimen.
“I admire their valor, and I hope their speaking out will lead to more people being held accountable,” ang sabi ni Ataska sa presscon ng “Uhaw” na idinirek ni Bobby Bonifacio.
Sa mga hindi pa masyadong aware, three-chair turner si Ataska noong mag-join siya sa “The Voice Kids Season 2” na umere noong 2015 kung saan naging bahagi siya ng Team Kawayan ni Bamboo.
Samantala, excited na si Ataska na mapanood ng mga Vivamax subscribers ang “Uhaw” dahil hindi lang siya umarte sa movie kundi nabigyan din siya ng chance na kumanta.
“In this movie, na-showcase ko ’yung acting ko as well as my singing and I did a lot of drama scenes as well and I’m happy because it’s something that I’ve always wanted to explore sa career ko,” sabi ng dalaga.
View this post on Instagram
Ang kwento ng “Uhaw” ay tungkol sa mag-asawang Rejoice (Ataska) at Marcus (Itan Rosales). Masusubok ang kanilang pagsasama nang biglang magkaroon ng aneurysm si Marcus, dahilan para siya ay ma-coma.
Dahil sa mabigat na dinadala at malaking gastos sa ospital, si Rejoice, na isang singer, ay kukuha ng maraming gigs at maiisip din na kumapit sa patalim para lang magkapera.
Tila walang katapusan ang kanyang problema dahil matutuklasan din niya ang pangangaliwa ni Marcus sa kanyang cellphone. Ito ang magtutulak sa kanya na harapin ang lover ng kanyang asawa na si Astrid (Angeli Khang).
Ngunit, ang pagkikita nina Rejoice at Astrid ay mauuwi sa isang affair. Habang wala pa ring malay si Marcus, matatagpuan nina Rejoice at Astrid ang kasiyahan sa isa’t isa, isang bagay na hindi nila naramdaman noon.
Habang patuloy silang nagkikita, mas lalo silang nagkakamabutihan.
Maguguluhan si Rejoice sa kanyang obligasyon sa kanyang asawa at sa nararamdaman niya para kay Astrid. Mananatili ba si Rejoice kay Marcus kahit na ito ang unang nanloko, o pipiliin ba niya ang malalim nilang koneksyon ni Astrid?
Panoorin kung paano haharapin nina Rejoice, Astrid, at Marcus ang pag-ibig at pagtataksil sa “Uhaw,” available na sa streaming simula September 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.