Joel Lamangan gumawa ng pelikula sa Vivamax dahil sa pera

Joel Lamangan gumawa ng pelikula sa Vivamax dahil sa pera: Kakapitan mo!

Ervin Santiago - June 18, 2024 - 12:25 AM

Joel Lamangan gumawa ng pelikula sa Vivamax dahil sa pera: Kakapitan mo!

Coco Martin, Joel Lamangan at Jhon Marcia

WALANG patumpik-tumpik na inamin ng premyadong direktor na si Joel Lamangan na tinanggap niya ang isang Vivamax movie dahil sa pera.

Ang tinutukoy namin ay ang pelikulang “Sisid Marino” na streaming na ngayon sa Vivamax starring Jhon Marcia, Julia Victoria, Ataska, Cariz Manzano at Yda Manzano.

Sa naganap na presscon ng pelikula kamakailan ay isa sa mga natanong kay Direk Joel ay kung ano ang kanyang sikreto na hanggang ay nananatili pa rin siyang aktibo bilang direktor pelikula at telebisyon, pati na rin sa mga streaming platform.

Baka Bet Mo: Joel Lamangan balak gumawa ng pelikula kontra ‘Maid in Malacañang’: Hindi totoo ang lahat ng ito

“Parang sinasabi mo ang tanda-tanda ko na!” ang birong simula ni Direk Joel.  “Ano ba ang sikreto? Wala namang sikreto. Ang sikreto, e, kumapit ka lang nang kumapit.

“Kumapit ka, lasapin mo ang lahat ng karanasan at matuto ka sa lahat ng karanasang nasapit mo. At huwag mo nang gagawin ulit ang karumal-dumal na ginawa mo, ayusin mo ang propesyon mo,” aniya.

“Tingnan mo ang pelikula bilang isang kultura, bilang isang sining, at bilang isang repleksiyon ng ating society, hindi lamang upang kumita ng pera,” sabi ni Direk.

“Pero ito (Sisid Marino) kinuha ko dahil sa pera. Kailangan ko datung, kailangan talaga! Pero iyan naman kasi ang pamantayan ng panahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


“Mahirap kasi ang pera ngayon, wala nang nagpoprodyus talaga. Wala nang nanonood ng sine, di ba? So ang Vivamax ang nandiyan, di kakapitan mo rin iyon.

“Pero dapat pag-aaralan mo kung ano ang mga ibinibigay sa iyo ng Vivamax na leksiyon para magamit mo sa buhay mo.

“Bakit ako nagtatagal? Dahil kailangan pa ako. Siguro pag hindi na ako kailangan mawawala na ako, di ba? E, may kumukuha pa rin sa akin, ano?

“Kahit saan ako pumunta may kumukuha pa rin sa akin, so alangang tanggihan ko nang tanggihan.

“Hindi ako kumawala, kumapit ako nang mahigpit dito at hanggang ngayon nandito pa rin ako. Karamihan ng mga kasabay ko… ay, huwag na lang natin silang pag-usapan!” tuluy-tuloy na chika ng premyadong direktor.

Baka Bet Mo: Darryl Yap: ‘Hindi ko kailanman matatalo si Direk Joel Lamangan…hindi ko nanaising makalaban ang isang institusyon’

Isa pa sa mga question na ibinato kay Direk Joel ay kung ano sa tingin niya ang kaibahan na paggawa ng pelikula noong dekada ’90 kumpara sa ngayon na ang dami-dami nang platform.

“Parang gusto niyong gumawa ako ng libro,” ang hirit na biro uli ng batikang filmmaker. “Napakalaki ng diperensiya. Iba ang pelikula noong mga unang panahon.

“Noong unang panahon, gumagawa ka ng pelikula na nagre-reflect ng isang partikular na katotohanan, ngayon gumagawa ka ng pelikula na nagre-reflect ng ka-L-an (kaelyahan) ng mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“L, mga ka-L-an, mga L, sa Vivamax, walang ganoon noong araw. Kaya ang mga pelikulang nagawa ko noong araw ay sinasabi nilang socially oriented because they depicted the truth of that particular time.

“Well, ito namang Vivamax it also reflected the truth of particular characters of our society kaya lang, mayroong tendency to show intimate scenes na kailangang-kailangang sa isang konsepto ng Vivamax,” esplika pa niya.

Naging artista rin noon si Direk Joel at ngayon ay napapanood pa rin sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin. Kaya naitanong din sa kanya kung sakaling papipiliin siya, direktor o artista?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Artista’t direktor. Puwede mo namang pagsabayin yung dalawa. Kaya sa Batang Quiapo artista lang ako, hindi ako nakikialam,” sagot ni Direk Joel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending