Joel Lamangan balak gumawa ng pelikula kontra 'Maid in Malacañang': Hindi totoo ang lahat ng ito | Bandera

Joel Lamangan balak gumawa ng pelikula kontra ‘Maid in Malacañang’: Hindi totoo ang lahat ng ito

Therese Arceo - July 22, 2022 - 09:07 AM

Joel Lamangan balak gumawa ng pelikula kontra 'Maid in Malacañang': Hindi totoo ang lahat ng ito

Joel Lamangan | Screengrabbed from Altermidya

NAGPATUTSADA ang batikang direktor na si Joel Lamangan ukol sa pelikulang “Maid in Malacañang” ni Darryl Yap.

Nagsalita ang batikang direktor sa naganap na campaign launch para sa “Never Again, Never Forget” ML50 nitong Huwebes, July 21 bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng Martial Law noong 1972.

“Kailangan balikan natin kung ano nga ang intensyon ng pamilya[ng] ito at gustong bumalik nanaman sa Malacañang. Malinaw naman na sinasabi nila, gusto nilang takpan kung anuman ang nangyari na ginawa ng tatay nila. Sinasabi yan ni Imee Marcos, sinasabi nilang lahat… upang takpan ang lahat ng katarant*duhan na ginawa ng pamilya nila,” saad ni Direk Joel.

Aniya, gagawin daw ng pamilya ang lahat ng maaari nilang gawin para pagtakpan ang ginawa ng kanilang pamilya sa mga Pilipino.

“Lahat ng gagawin nila, kung anumang programa ang gagawin nila ay upang takpan ang kawalanghiyaang ginawa ng kanilang ama at ng kanilang pamilya. Yun ang paniniwala ko at yun ang ine-expect kong gagawin nila dahil yun talaga ang nais nilang mangyari,” pagpapatuloy pa ni Direk Joel.

At ngayon nga daw ay nagsisimula na ang mga ito aa paggawa ng kanilang mga hakbang.

“Nag-uumpisa na sila. Gumawa sila ng pelikulang katar*nt*duhan, pera ng bayan yan… Anong drama yun? Drama ng pagtatakip para kaawaan ng tao yung pamilyang yun. Ang tawag nga doon sa mga pumunta ng Malacañang noong panahon na yun, akyat bahay daw? Inakyat ang Malacañang, akyat bahay. Tingnan mo? Nag-uumpisa na sila,” sey ni Direk Joel.

Dagdag pa niya, “Dapat hindi natin ito palagpasin. Dapat tingnan ulit natin ito bilang distortion ng katotohanan. Nag-uumpisa na sila. Dapat mulat tayong lahat.”

Naibahagi rin ng direktor na balak niyang panoorin ang pelikulang “Maid in Malacañang” na idinirek ni Darryl Yap.

Matatandaang ayon sa VinCentiments director ay hango ang pelikula sa mga nangyari sa loob Malacañang tatlong araw bago maganap ang EDSA People Power Revolution kung saan napaalis sa pwesto ang dating pangulo at ito ay base diumano sa isang “reliable source”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Mapapanood ang naturang pelikula sa mga sineha simula Agosto 3.

“Manonood ako. Titingnan ko yung katar*nt*duhan ang ginagawa nila at sinasabi nila. At sasabihin ko sa mga tao na hindi totoo ang lahat ng ito at gagawa ako ng pelikula laban dito,” chika ni Direk Joel.

Ngunit sa ngayon daw ay malabo pa raw na makagawa ng pelikula dahil kailangan pa nila ng producer para sa historical movie na kanilang gagawin.

Related Chika:
Joel Lamangan nagpakatotoo: Maraming direktor na bago pa lang ay mayayabang na…huwag ganyan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joel Lamangan bumilib kina Albie, Kit at Christine: Lahat sila professional!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending