Joel Lamangan nagpakatotoo: Maraming direktor na bago pa lang ay mayayabang na...huwag ganyan | Bandera

Joel Lamangan nagpakatotoo: Maraming direktor na bago pa lang ay mayayabang na…huwag ganyan

Ervin Santiago - April 05, 2022 - 06:41 AM

Joel Lamangan

MATAPANG ang naging pahayag ng award-winning veteran director na si Joel Lamangan tungkol sa mga batang direktor na kung umasta ay akala mo kung sino.

Natanong kasi si Direk Joel sa naganap na virtual mediacon ng Viva Entertainment para sa bago niyang pelikulang “Island Of Desire” kung ano ang masasabi niya sa mga bago at batang direktor sa local showbiz.

“Marami. Hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan. Mga bago pa lang mayayabang na. Marami. Mga bago pa lang parang sila ay God’s gift to Philippine cinema,” simulang pahayag ng premyadong direktor na tatlong dekada na ngayon sa movie industry.

Dagdag pa niya, “Maraming ganyan. Dahan-dahan naman matututo yan kapag yan ay nadapa at dahan-dahang matututo na hindi dapat ganu’n ang tingin nila sa buhay na ito.

“Marami sa mga kabataan ngayon ang nagdi-direct na may konting yabang na konti pa lang ang nagagawa nila at na-praise-praise ay may konting yabang na.

“Sa kanila ay sinasabi ko lang, huwag ganyan. Kailangang mapagkumbaba at pag-aralan mabuti ang mga ginagawa, mag-aral ng mga sinasabi ng ating buhay. Dahil ang basis ng ating istorya ay buhay,” payo ni Direk Joel sa mayayabang at feeling super sikat na mga direktor.

Nagbigay din siya ng advice para sa lahat ng mga young directors na nais magtagal sa industriya, “Dapat maging mabuting tao. Dapat mapagkumbaba. Sa konting nagawa, dapat hindi ito ipagyabang.

“Dapat ay makisama sa lahat ng tao, i-observe ang totoong nangyayari sa kapaligiran, maging bahagi ng buhay, huwag masyado maging mataas ang ilong.

“Konting success lamang ay hindi dapat ipagyabang dahil hindi naman yan magtatagal. Makisama nang mabuti sa mga artista at mga crew. Maging mabuting tao at humble. Yun ang pinakamaganda,” aniya pa.

Samantala, natanong din si Direk Joel tungkol sa pagdami muli ng mga sexy films, “Bahagi naman yan sa istorya ng ating industriya. Hindi naman yan bago lang. Yan ay nag-umpisa pa noong araw.

“Kaya ngayon may bago na namang katuturan, may bagong content ang sex movies, kaya bahagi ng buhay at papanuorin ng tao. Kagaya rin yan ng pagkain, kagaya ng pagkakasakit, ng pag-iyak, ng pagtawa.

“Ang sex ay bahagi ng buhay kaya papanoorin ng mga tao. Ang magagandang istorya ng Pilipino ang makapagbabalik sa ating manunuod sa sinehan.

“Magagandang istorya na may kinalaman sa tunay na buhay. Ang tunay na buhay ay totoo namang may sex. So yung mga storyang may sex pero may katuturan, yun ang magpapabalik sa mga manunuod sa ating sinehan.

“Then ang sex naman ay bahagi ng buhay ng tao. Hindi naman yan kakaiba. Yan naman ay ginagawa ng lahat ng tao. Kaya yan ay salamin ng ating katotohanan,” magandang paliwanag pa ni Direk Joel.

Mapapanood ang sex-drama ma “Island Of Desire” sa Vivamax na pinagbibidahan nina Christine Bernas, Sean de Guzman, at Rash Flores.
https://bandera.inquirer.net/307851/joel-lamangan-sbumilib-kina-albie-kit-at-christine-lahat-sila-professional

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308483/joel-lamangan-hindi-pabor-sa-censorship-ng-online-platforms-may-babala-sa-mga-magulang
https://bandera.inquirer.net/291758/christian-bables-kahit-ipis-ang-role-payag-ako-basta-makatrabaho-ko-lang-si-joel-lamangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending