Christine Bermas tuloy lang ang paghuhubad sa VMX: Laban lang!

Christine Bermas tuloy lang ang paghuhubad sa VMX: Laban lang!

Ervin Santiago - November 10, 2024 - 10:37 AM

Christine Bermas tuloy lang ang paghuhubad sa VMX: Laban lang!

TILA binawi ng Vivamax star na si Christine Bermas ang desisyon niya noon na titigil na sa paghuhubad at pakikipag-love scene sa pelikula.

Sa muling pagharap ng dalaga sa ilang members ng entertainment media para sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Celestina: Burlesk Dancer” mula sa VMX (Vivamax) ay napag-usapan nga ang tungkol dito.

Sa trailer pa lang kasi ng pinakabagong VMX Original Movie na ipalababas sa mga sinehan nationwide ay obvious nang sumabak muli sa pagpapaseksi si Christine kasama ang isa pang lead star ng pelikula na si Yen Durano.

Ayon kay Christine, open pa rin naman daw siya sa mga daring at sexy roles at sa mga sex scenes, basta maganda ang materyal at may mga mapupulot na aral ang mga manonood.

“Tuloy lang ang laban. Yes, of course if the story is super ganda and worth it to do, why not,” sey ng sexy star sa presscon ng “Celestina: Burlesk Dancer.”

Baka Bet Mo: Baguhang sexy star proud na umaming naging kasambahay, nagtinda rin ng mga kakanin

Dagdag na paliwanag ng dalaga, ginawa niya ang mga intimate scene para sa 1940s period movie na isinulat ng National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee at idinirek ni McArthur Alejandre, bago pa niya sinabi noon na “graduate” na siya sa paghuhubad.

“This was shot before I made the announcement titigil ako. Nauna itong i-shoot. Meron pa rin ako dito (sexy scene),  ang naka-partner ko Japanese actor, they flew from Japan,” ang sabi pa ni Christine.

Isa raw ang role niya sa “Celestina: Burlesk Dancer” sa mga most challenging character na ginampanan niya sa ilang taong pagiging Vivamax star.

“Different Christine sa nga nagawa kong VMX movies. Yung character ko dito ay totally different sa personality ko din.

“I needed to portray like sa sinaunang panahon bago sinakop ng mga Japanese ang Pilipinas. Sobrang nahirapan ako sa mga scene,” aniya pa.

Samantala, sahil sa success ng “Unang Tikim” sa mga sinehan, inihahandog ng VMX ang ikalawang original movie na mapapanood sa big screen, ito ngang “Celestina: Burlesk Dancer”.

Ito ay pagbibidahan nina Yen Durano at Christine Bermas at iikot ang kwento sa isang ina na papasukin ang pagiging burlesk dancer para buhayin ang kanyang anak sa panahong humaharap naman ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapon.

Taong 1940s, habang kontrolado ng bansang Japan ang Pilipinas, si Celestina o Tinay (Yen Durano) ay meron ring sariling pinagdadaanan. Ang asawa niyang si Cornelio (Sid Lucero) ay lasinggero, sugalero, at babaero. Galing ito sa mayamang pamilya pero unti-unting naubos ang kanilang kayamanan.

Hindi matanggap ito ni Cornelio at hanggang ngayon ay astang mayaman pa rin. Si Tinay ang kumakayod para sa kanilang pamilya.

Nang mahuli ni Tinay si Cornelio na nakikipagtalik sa iba, nagpasya na itong iwanan na ang asawa.

Bitbit ang kanilang anak na si Joaquin, magbabagong-buhay sila sa ibang bayan. Doon niya makikilala si Rosalinda (Christine Bermas) na tutulong sa kanyang makakuha ng trabaho bilang burlesk dancer sa teatrong pag-aari ni Estong (Allan Paule).

Sisikat nang husto si Tinay, at matitipuhan siya ng matipunong lalaking si Leandro (Arron Villaflor).

Magkakarelasyon sina Leandro at Tinay, pero kung kailan naman mukhang umaayos na ang lahat ay malalaman niyang myembro ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) si Leandro at may gusto itong ipagawa sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bumabalik sa eksena si Cornelio na pumanig naman sa mga Hapones. Sa gitna ng mga kaguluhan, tunghayan ang mga hakbang na gagawin ni Tinay para sa ikabubuti at kaligtasan ng kanyang anak at sa kapakanan ng bayan.

Ipalalabas ang “Celestina: Burlesk” sa mga sinehan nationwide sa darating na December 4.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending