Robb Guinto maraming indecent proposal: Inalok ako ng house & lot

Yen Durano at Robb Guinto
SANDAMAKMAK na indecent proposal ang natatanggap ng mga sexy star at Vivamax bombshells na sina Robb Guinto at Yen Durano.
Kuwento ng dalawang aktres, bukod sa mga nagte-text sa kanila, may mga lalaking nagme-message rin sa kanilang mga social media accounts.
Sa panayam kina Robb at Yen ng online show na “Your Honor” hosted by Tuesday Vargas and Buboy Villar, napag-usapan nga nila ang tungkol sa mga indecent proposal sa showbiz.
Sey ni Robb, “Marami sa mga pages namin. Sa mga accounts namin pero na-ihandle namin. Sa akin ha kung paano ko ihandle ‘yun.
“Ako, hindi ko siya pinapansin, kasi the more na pinapansin mo siya mas lalo nilang aakalain nila na, ‘Ay! Okay ‘to. Game siya, baka nagpapataas lang ng ‘to presyo,’ may mga ganun thinking ‘yung mga ibang tao.
View this post on Instagram
“Kaya ang ginagawa ko, hindi ko na lang pinapansin,” pahayag ng dalaga.
Sundot na tanong ni Buboy kung ano ang pinakamalaking offer na natanggap ni Robb mula sa isang lalaki – may nag-alok daw sa kanya noon ng house and lot.
Ngunit agad-agad daw tinanggihan. “Ang katwiran ko naman kasi sa sarili ko, bakit ako mapupunta sa ganu’ng sitwasyon kung kaya ko naman magtrabaho para sa sarili ko.”
Ayon naman kay Yen, anak ng aktor na si DJ Durano, never din siyang sumagot sa mga natatanggap na indecent proposals.
“I don’t engage in it. It’s funny to me na lang, I’m not a very greedy person. Like I have my needs, I’m well provided for – my mom. I make my own money, I don’t need the extra. I don’t need the mga bags.
“I know my worth. Separate ‘yung work ko sa buhay ko. Kung sa kung sino ako, ‘yun ‘yung common misconception na okay lang sa amin ‘yung ganu’n. Hindi po!
“Kaya tigil-tigilan n’yo ang pagdi-DM (direct message) sa amin,” ang hirit ni Yen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.