Robb, Micaella walang bawal pag babae ang ka-sex scene

Robb Guinto, Micaella Raz walang bawal kapag babae ang ka-sex scene

Ervin Santiago - July 16, 2024 - 08:00 AM

Robb Guinto, Micaella Raz walang bawal kapag babae ang ka-sex scene

Micaella Raz, Robb Guinto at ang cast members ng ‘Kaulayaw’ at ‘Init’

WALANG limitasyon at walang bawal-bawal si Micaella Raz sa paggawa ng sex scenes kapag ang kaeksena niya ay ang kapwa Vivamax bombshell na si Robb Guinto.

Kapag lalaki raw ang kapartner niya sa mga love scenes sa mga ginagawa niyang pelikula sa Vivamax, kailangan daw may limit din para maprotektahan din ang kanyang mga karapatan bilang babae.

Baka Bet Mo: Vivamax sexy star Robb Guinto palaban sa hubaran pero: ‘Sa kissing scene, no tongue at bawal hawakan ang boobs ko’

Sa presscon ng bagong Vivamax Original movie na “Kaulayaw” magkasama sina Micaella at Robb at pareho silang nagsabi na mas madaling gumawa ng love scene sa kapwa nila babae.

“Mas madali po talaga kapag babae. Iba ‘yung ng pagiging komportable namin. Parang nagpoprotektahan kami pareho,” sabi ni Micaella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Para naman kay Robb, “Pagdating kasi sa kapwa babae, alam po namin kung ano ’yung limitations namin sa isa’t isa.

“Wala po kaming ilangan compared kasi sa guys, siyempre kahit paaano may limit ka, eh. Pero wala naman po sa aking problema, sobrang mas komportable lang po ako kapag babae ang nakaka-love scene ko,” aniya pa.

Sabi uli ni Micaella, “Noong pinaalam sa akin ’yung sa mga limitations, sabi ko, ‘Okay lang, basta si ate Robb.’ Basta si ate Robb, okay lang pero kapag sa iba, doon po medyo nag-aalangan ako kasi alam kong aalagaan ako ni ate,” dagdag ni Micaella.

Baka Bet Mo: Rape scene ni Vivamax bombshell Micaella Raz sa ‘Bata Pa Si Sabel’ nakakaloka; Angela Morena todo suporta kay sisteraka

Samantala, double dose ang tindi ng excitement ngayong July sa pagdating ng dalawang bagong Vivamax films, ang “Kaulayaw” at “Init”, tampok ang ilan sa mga sexy at daring stars ng bagong henerasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Magsasama nga sina Micaella Raz at Robb Guinto para sa isang nag-iinit na palabas sa “Kaulayaw,” streaming exclusively sa Vivamax ngayong araw, July 16. Mula sa direksyon ni Iar Arondaing, kasama rin dito ang Vivamax actor na si Matt Francisco.

Sina Ella (Raz) at Cara (Guinto) ay schoolmates sa kolehiyo na agad naging mabuting magkaibigan matapos nilang magkita sa party at doon ay naibahagi nila ang kanilang mga sikreto at problema habang naglalasing sa alak.

Kaka-break lang ni Cara sa kanyang long-time boyfriend, si Ella naman ay nasisante sa trabaho at wala nang pantustos para sa kanyang pag-aaral.

Nabalitaan ni Ella ang tungkol sa isang dating kaibigan at schoolmate na yumaman dahil sa paggawa nito ng online web show na pinapalabas sa pornography site.

Sinubukan rin ni Ella na gumawa ng sarili niyang web show pero nabigo siyang makuha ang atensyon ng viewers. Pero mababago ito nang isang beses habang nakalivestream ay naabutan ni Cara ang ginagawa ng kaibigan.

Ang eksenang ito ay naging kapana-panabik para sa mga manonood at nakuha na rin ni Ella ang followers na hinahangad niya.

Dito na kukumbinsihin ni Ella si Cara na sumama sa kanyang web show at maging friends with benefits habang kumikita nang maraming pera dahil paniguradong marami ang manonood sa kanila.

Trabaho lang, walang personalan, magiging bonus pa ito para sa kanila dahil may lihim rin silang pagnanasa sa isa’t isa. Dahil sa kalungkutan at kuryusidad sa gagawin, papayag si Cara sa alok ni Ella.

Sisimulan ni Ella at Cara ang kanilang mga livestream, at magiging game sila na gawin ang kahit na ano – roleplaying, threesome, foreplays, at kung anu-ano pa.

Lahat ng pwedeng wild acts, basta makakuha ng atensyon ng mga manonood ay gagawin nila. Pero sa unti-unting pagsisimula ng kanilang palabas, ay unti-unti ring lalalim ang nararamdaman nila at mahuhulog sa isa’t isa.

Kaya kayang itaya ni Ella at Cara ang all-work-and-play relationship nila at pinakaiingatan nilang pagkakaibigan para sumugal sa pag-iibigan nila?

Maging bukas kaya ang isipan nila na maging higit pa sa magkaibigan? O pipiilin nilang ipagpaliban ang mga nararamdaman at maging kuntento sa kung anong mayroon sila?

Sa gitna ng yaman, karangyaan, kasikatan at mga komplikadong bagay, pag-ibig pa rin kaya ang manaig para sa kanila?

Sa pelikulang “Init”, nagbabagang kaseksihan naman ang dala ni Dyessa Garcia bilang Luisa, mula sa direksyon ni direk Paul Michael Acero.

Makakapagkolehiyo na sa wakas si Luisa. Matagal siyang natigil sa pag-aaral dahil mahirap lang ang kanyang pamilya sa malayong probinsiya. Salamat na lang at nakatanggap siya ng scholarship sa isang unibersidad sa Maynila.

Isang boarding house ang tutuluyan ni Luisa. Makakasama niya dito ang magka-live in na sina Zander (Ghion Espinosa) at Jhen (Aica Veloso), ang Binatang si Edrick (Rome Guinto), ang roommate niyang si Dianne (Candy Veloso), at ang caretaker na si Arman (Rash Flores).

Inaasahang pag-aaral ang aatupagin ni Luisa, pero may ituturo siya sa kanyang mga kasama sa boarding house, at ‘yon ay kung paano siya paligayahin sa kama. Bawat isa sa kanila – lalaki o babe – ay makakasiping ni Luisa.

Malalaman ni Luisa na ang init na nararamdaman niya ay dala ng isang kondisyon na matagal niya nang pinagdaraanan.

Paano na ang kanyang pag-aaral? May mahalaga kaya siyang matututunan sa kanyang mga sexcapade?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sisimulang maglagablab ang “Init” sa darating na July 30.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending