Hugot ni Robb Guinto: Ang hirap kasi sa ibang tao, 'pag nakita ang isang Pinay na may kasamang foreigner, ang tingin agad pokpok, nangunguwarta lang' | Bandera

Hugot ni Robb Guinto: Ang hirap kasi sa ibang tao, ‘pag nakita ang isang Pinay na may kasamang foreigner, ang tingin agad pokpok, nangunguwarta lang’

Ervin Santiago |May 07,2023
facebook
share this

Hugot ni Robb Guinto: Ang hirap kasi sa ibang tao, ‘pag nakita ang isang Pinay na may kasamang foreigner, ang tingin agad pokpok, nangunguwarta lang’

Ervin Santiago - May 07, 2023 - 07:36 AM

Hugot ni Robb Guinto: Ang hirap kasi sa ibang tao, 'pag nakita ang isang Pinay na may kasamang foreigner, ang tingin agad pokpok, nangunguwarta lang'

Nico Rocco, Robb Punto at Jela Cuenca

PALABAS na ngayon sa Vivamax ang pelikulang “AFAM” na tumatalakay sa iba’t ibang kuwento tungkol sa mga Filipina na nai-in love at nakikipagrelasyon sa mga foreigner.

Bida rito ang mga Vivamax bombshells na sina Robb Guinto at Jela Cuenca kasama sina Nico Locco, Alexa Ocampo, Katya Santos, Giselle Sanchez, PJ Rosario at Roi Alonte, mula sa direksyon ni Linneth Zurbano

In fairness, sure na sure kaming maraming makaka-relate sa kuwento ng “AFAM”, tulad nga ng sinabi nina Robb at Jela sa naganap na zoom presscon ng pelikula last April 27.

“It cannot be denied namang marami talagang Pinay na gustong makarelasyon ng afam. I hope our film will open the eyes of people who look down on Pinays with foreigners for a partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robb Guinto (@rblyngnt)


“Ang hirap kasi sa ibang tao, kapag nakita in public na ang isang Pinay may kasamang foreigner, ang tingin agad, pokpok ‘yan, nangunguwarta lang ‘yan,” sabi ni Robb.

Dagdag pa ng sexy star, “We should not be so quick in making judgments, kasi we don’t really know what’s going on between them.

“Baka naman may love talagang namamagitan sa kanila. We don’t really know who is exploiting who. It’s a case to case basis. Sometimes the Pinay is the victim and sometimes it’s the afam,” aniya pa.

Sentimyento pa ng dalaga, “Ang pangit lang agad kasi ng tingin ng ibang tao. Nanghuhusga agad na pumapatol ang Pinay sa afam for economic or financial reasons.

“Ako, nagkaroon ng foreigner na boyfriend kasi hindi niya ako tinantanan hanggang hindi maging kami. Naging malaki ang impact niya sa buhay ko. Maalaga siya, pero ayun, naghanap siya ng ibang putahe, so yun ang aming naging problema and we broke up,” pag-amin ni Robb.

Baka Bet Mo: Vivamax bombshell Rob Guinto sa mga nanghuhusga sa kanya bilang sexy star: Sabihin na nila lahat ng gusto nila…

Sey naman ni Jela Cuenca na palaban din sa hubaran at sex scenes, nalaman niya sa TikTok na winawarningan daw ang ilang foreigners “na mag-ingat sa mga Pinay.”

“Nakikita ko kasi sa TikTok, ‘yung ibang Pinay, pino-post nila ang jowa nilang foreigner. Tapos, makikita ng ibang Pinay na pogi, macho, maiinggit sila at aahasin naman ang afam na karelasyon na ng ibang Pinay. But it all depends on the afam kung magiging faithful ba siya or not,” sabi ni Jela.

Aniya, isa sa mga rason kung bakit pumapatol o nai-in love ang mga Pinay sa foreigners ay dahil pwede silang magkaroon ng gwapo at magagandang anak.

“Hindi naman natin maitatanggi na magaganda talaga ang nagiging mga anak ng mga Pinay with foreigners. Talagang gumaganda ang lahi nila kaya andami sa showbiz ng ganyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Locco (@akoposinico)


“Kaya hindi mo sila masisisi kung gusto nilang magkaasawa ng afam. Ang mga kapitbahay ko sa amin sa probinsiya, sa Dumaguete and Palawan, mga foreigner ang jowa nila. Mababait naman daw. At ang mga anak nila, malalakas ang dating, nakukuha sa modeling,” dugtong pa niyang chika.

Nagkadyowa rin daw siya ng afam, “My first boyfriend was a foreigner. Suwertihan din ‘yan kasi not everyone is perfect, so bahala na lang kung makaka-jackpot ka sa makukuha mo.

“Ang good side ng afam, hindi ka nila pababayaan kasi caring sila. ‘Yung BF ko, ayaw niyang laging nakababad ako sa cellphone kasi sayang lang daw ang oras. Kaya lang, hindi kami talaga magka-match so nag-split kami,” sabi pa ni Jela.

Iikot ang kuwento ng “AFAM” sa buhay nina Hazel at Daisy (Jela Cuenca at Robb Guinto), ang magkaibigan at magkatrabaho sa Bukang Liwayway Resort.

Magkaiba sila sa maraming bagay, tulad nang pagiging sweet at mahiyain ni Hazel, samantalang may pagka-nagger naman si Daisy. Pero pareho silang maalaga at handa nang magkaroon ng isang taong pagtutuunan ng pagmamahal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jela Cuenca (@jelacuencaa)


Pinapangarap ni Hazel na makilala ang dream man na kasama niyang bumuo ng pamilya na hindi niya naranasan.  Para naman kay Daisy, gusto niya nang makawala sa pamilyang laging umaasa sa kanya.

Sa tulong ng dati nilang kapitbahay na si Mirabelle (Katya Santos), nadiskubre nina Hazel at Daisy ang online dating at AFAM-hunting. Sa paraang iyon nakilala ni Mirabelle ang asawa niyang mayamang Italyano.

At nagkaroon na nga ng ka-chat sina Hazel at Daisy, pero ang lalaking ito ay iisa lamang.  Gamit niya ang pangalang JJ at Jamey (Nico Locco).

Nakuha ni JJ/Jamey ang atensyon ng dalawa dahil sa pagiging charming nito at perfect gentleman, pero sa totoo ay napaka-tuso niya at may gawaing illegal. Nang dumating siya sa Pilipinas para kitain ang dalawa, nagulat silang lahat sa kanilang pinasok na sitwasyon.

Siguradong red flag nang maituturing ang panloloko ni JJ/Jamey, pero tila gusto pa rin nina Hazel at Daisy na ipagpatuloy ang ugnayan dito.  Ang magkaibigan ay magkaribal na ngayon. Kailan nila makikita na hindi karapat-dapat si JJ/Jamey sa kanila?

O, baka naman mapatutunayan ni JJ/Jamey na isa talaga siyang Prince Charming? Pero sino sa dalawa ang kanyang pipiliin? Pagkatapos ng lahat ng gulo, ano ba ang mas matimbang kina Hazel at Daisy – pagkakaibigan o pag-ibig?

Buking! Mga Pinay na mahilig sa ‘afam’ binalaan sa poser-scammer na nambibiktima sa socmed

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Madam Inutz umabot sa mahigit P32k ang bill sa kuryente: ‘Wala talaga akong karapatang magpahinga!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending