Christine Bermas, Jela Cuenca patalbugan sa hubaran; magse-share sa isang 'security guard' | Bandera

Christine Bermas, Jela Cuenca patalbugan sa hubaran; magse-share sa isang ‘security guard’

Ervin Santiago |September 26,2022
facebook
share this

Christine Bermas, Jela Cuenca patalbugan sa hubaran; magse-share sa isang ‘security guard’

Ervin Santiago - September 26, 2022 - 09:24 AM

Jela Cuenca at Christine Bermas

MAS naglalagablab at mas magiging palaban daw ang mga sexy stars na sina Christine Bermas at Jela Cuenca sa latest Vivamax original na “Relyebo.”

Magsasanib-pwersa nga ang dalawang hubadera ng Vivamax sa isa na namang sexy-thriller movie produced by cult director Roman Perez Jr. and directed by Crisanto Aquino.

“Nagkasama na kami before ni Jela sa ‘Island of Desire’ pero mas sexy at mas nagbabaga itong bago naming movie na ‘Relyebo,’” chika ni Christine sa naganap na virtual mediacon ng naturang pelikula.

Sa kuwento, gaganap si Christine bilang si Amor, “Isa siyang saleslady na ka-live in Sean de Guzman as Jimmy, na isa namang security guard.

View this post on Instagram

A post shared by Chris Ber (@christinebermas_)


“Dahil sa gabi ang trabaho niya at sa araw naman ang trabaho ko, nagkikita lang kami sa umaga pagdating niya from work at bago naman ako umalis para sa trabaho ko.

“Okay naman kami pero napansin kong lately, parang may laging something na kakaiba sa kanya. Parang distracted siya,” kuwento pa ng dalaga.

Si Jela naman ang gaganap na misteryosang babae na nakatira sa condominium kung saan nagtatrabaho si Sean bilang security guard.

“Maganda yung role ko kasi mahiwagang babae si Miss F. Unlike other condo tenants na regular ang schedules ng pag-alis at pag-uwi, si Miss F, erratic ang schedule kaya naiintriga lalo si Jimmy.

“Ako naman, napansin ko agad na pinagpapantasiyahan niya ako and willing akong makipaglaro sa kanya.

“I invite him to my bed pero may matutuklasan siya about me and my work at ito ang siyang babago sa takbo ng buhay niya,” sey ni Jela.

Natanong naman si Sean kung ano ang mensaheng matututunan ng manonood sa “Relyebo”, “Siguro, the message is dapat matutong kang makontento ka na with what you have.

“Yung character ko kasi rito, hindi pa satisfied sa live in partner kong si Christine na mabait na, sexy pa, kaya naghanap pa ng iba.

“Nabo-bore kasi siya sa trabaho niya as security guard sa condo kaya ayun, nagpa-fantasize siya about yung sexy tenants na nakikita niyang dumaraan sa harapan niya.

“At yun, na-involve siya kay Jela without knowing na mapanganib pala ang babaeng ito at magdudulot ng kaguluhan sa buhay niya,” sabi pa ng award-winning actor.

Kasama rin sa movie sina Jeric Raval, Lara Morena, Carlene Aguilar, Jeffrey Hidalgo at Juliana Parizcova Segovia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipalalabas na ang “Relyebo” sa Vivamax simula sa October 14.

Nanay ng sexy star na si Jela Cuenca binubugbog noon ng asawa: Sana huwag akong magaya sa kanya…

‘Bombshell’ ng Viva na si Jela Cuenca hindi pumapatol sa mga bastos sa socmed; ‘type’ si Maui Taylor

Sex scenes nina Jela Cuenca at Wilbert Ross sa ‘Patay Kang Manyak Ka’ nakakaloka, nakakatawa

Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending