Christine Bermas, Sean de Guzman pasabog ang sex scenes sa 'Relyebo', pang-best actor at best actress ang akting | Bandera

Christine Bermas, Sean de Guzman pasabog ang sex scenes sa ‘Relyebo’, pang-best actor at best actress ang akting

Ervin Santiago |October 16,2022
facebook
share this

Christine Bermas, Sean de Guzman pasabog ang sex scenes sa ‘Relyebo’, pang-best actor at best actress ang akting

Ervin Santiago - October 16, 2022 - 09:38 AM

Christine Bermas, Sean de Guzman pasabog ang sex scenes sa 'Relyebo', pang-best actor at best actress ang akting

Christine Bermas, Jela Cuenca at Sean de Guzman

IN FAIRNESS, na-enjoy at nagustuhan namin ang latest sex-drama-romance ng Vivamax, ang “Relyebo” na pinagbibidahan nina Sean de Guzman at Christine Bermas.

Isa ang “Relyebo” sa magaganda at makabuluhang Vivamax Original movie na napanood namin na posibleng ma-nominate at humakot ng awards next year.

Nagtagumpay ang writer at director ng pelikula na si Crisanto Aquino, kasama ang cult director na si Roman Perez, Jr. as creative producer, sa pagbuo ng isang proyektong tiyak na maraming magdyowa ang makaka-relate.

Ito ang unang pagkakataon na gumawa ng sex-drama si Direk Cris dahil nakilala siya sa mga wholesome movies like “Write to Love” na humakot ng awards sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Gumaganap si Sean de Guzman sa movie bilang Jimmy, isang security guard sa isang apartment building.  Sa duty niya na panggabi, naging libangan na niya ang gawan ng label ang mga tenants doon, tulad ng “Mr. K” na tenant sa unit 201, “Ms. G” sa unit 402, “Mrs. M” sa unit 501 at iba pa.

Mawawala ang kanyang pagkabugnot pagdating ng isang bagong tenant na tawag-pansin sa kanyang red hair. “Ms. F” ang itatawag ni Jimmy dito dahil siya ang bago niyang pantasya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Ber (@christinebermas_)


Palaisipan kay Jimmy kung ano ang ginagawa ng babaeng ito dahil iba-iba ang oras ng kanyang pag-uwi.  Gustong-gusto niyang mapalapit dito pero paano?

Si Christine Bermas naman ay gumaganap bilang Amor, ang live-in partner ni Jimmy na isang sales clerk. Matiyaga itong naghihintay sa pag-uwi ni Jimmy tuwing umaga at sabik na maka-sex ito.

Pero may madidiskubre si Amor kay Jimmy isang umaga. May lakas ba siya ng loob para sundin ang kanyang kutob at alamin ang nangyayari?

Si Jela Cuenca naman si Ms. F.  Kabisado na niya kung ang lalaki ay may gusto sa kanya.  Game naman siyang pumatol kay Jimmy. Pero matapos niyang tuparin ang pantasya ni Jimmy, ano ang gagawin niya kung may matuklasan ang lalaking ito tungkol sa kanya?

Pagkatapos naming mapanood ang pelikula sa ginanap na private screening nito kamakailan, talagang nakumbinsi na kami na totoong magagaling sina Sean at Christine at hindi na kami magtataka kung makakuha sila ng acting awards para sa “Relyebo.”

Bukod sa kanilang mga sex scenes, isa sa panlabang eksena sa bagong erotic-drama film ng Vivamax ay ang confrontation scene nila matapos mag-sorry si Sean kay Christine sa mga nagawa niyang kasalanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sean De Guzman (@seandgman_)


May suspense at kaba factor naman sa kalagitnaan ng pelikula kung saan napakalaking bahagi ng mga eksenang kailangang ipakita ang mga pangyayaring kinasangkutan ng bawat karakter sa pamamagitan ng CCTV camera.

Nakakaloka ang eksenang nalaman na ni Christine ang sikreto ni Sean at ng red hair tenant na ginampanan naman ni Jela Cuenca. Ang galing ng pagkakagawa at pagkakabuo ng mga twist sa bandang ending ng movie.

Sa kabuuan ng “Relyebo”, napakahalaga ng mga sex scenes ng tatlong bida para maramdaman ng manonood kung saan nanggagaling ang bawat hugot nila.

Pero tiyak na mas tatatak sa manonood ang kuwento at ang mensaheng nais nitong ibahagi, lalo na sa mga mag-asawang dumadaan ngayon sa pagsubok dahil sa pagtataksil ni mister.

Winner din para sa amin ang ending ng “Relyebo” — bukod sa galing ng akting dito nina Sean at Christine, ang ganda-ganda rin ng lugar kung saan ito kinunan.

Kaya watch n’yo na sa Vivamax ang “Relyebo” at kayo na ang humusga. Kasama rin dito si Jeric Raval bilang isang “tsismosong” security guard.

Christine Bermas, Jela Cuenca patalbugan sa hubaran; magse-share sa isang ‘security guard’

Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jimmy Bondoc nasunugan ng studio, nawalan ng P1M worth ng music equipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending