Jimmy Bondoc nasunugan ng studio, nawalan ng P1M worth ng music equipment Bandera

Jimmy Bondoc nasunugan ng studio, nawalan ng P1M worth ng music equipment

Therese Arceo |August 05,2022
share this

Jimmy Bondoc nasunugan ng studio, nawalan ng P1M worth ng music equipment

Therese Arceo August 05, 2022 - 01:50 PM

Jimmy Bondoc nasunugan ng studio, nawalan ng P1M worth ng music equipment
ISANG malungkot na pangyayari ang ibinalita ng singer at songwriter na si Jimmy Bondoc nang masunog ang kanyang music studio.

Nitong Martes, August 2, ibinahagi ng mang-aawit ang sinapit ng kanyang music studio sa pamamagitan ng Facebook post.

“Just had a fire in my studio. We are safe. But lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years!” saad ni Jimmy.

Sa kabila ng pangyayari ay aminado siyang masuwerte pa rin siya sa kabila ng pangyayari dahil ligtas at buhay siya.

“The Lord giveth, the Lord taketh away. I am blessed to be alive. Asking for your prayers,” dagdag pa ni Jimmy.

Makikita sa kanyang post na talagang nasira ng apoy ang kanyang mga kagamitan gaya ng piano at mga gitara.

Sa isa pang Facebook post ay inamin ni Jimmy na umabot ng isang milyon ang halga ng mga nawalang gamit niya at ibinahagi rin nito na marami ang nais magpaabot ng tulong dahil sa nangyari sa kanyang music studio.

“Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao. Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment. Ang dami tuloy gusto tumulong.

“Wag niyo sana isipin na nagpapaka “banal” ako. Pero yung gamit, kakayod na lang ako para mabawi,” sey ni Jimmy.

Sa kabila nito ay ginamit niya na ang oportunidad para makiusap na sana ay magpaabot na lang ng tulong sa dalawa niyang mga kaibigan dahil mas higit itong nangangailangan.

“May I earnestly ask instead na mag donate po kayo sa dalawang kaibigan ko:(1) Atty. BRUCE RIVERA. He is now in a coma, and is in medical debt of about 1 Million as well. Gcash: 0966 722 9364 (2) JAMIE JEM (Jemelee Ta?edo). Musician, Cancer patient, undergoing financially challenging medical treatment. Gcash: 0917 154 0721.

“Sa mga mayayaman, wag kayo mahiya kahit tig 50k pa ibigay niyo :)) I will make sure to thank you on some platform. Sa mga karaniwang tao like me, kahit ilang daan o libo, it all matters,” hinging tulong ni Jimmy.

Aniya, ito raw ang kanyang pakiusap sa iba pang mabubuting puso.

Dagdag pa ni Jimmy, “Masakit po mawalan ng gamit, I do not deny it. Please help me to help others who stand to lose much more. I love you all.”

Nag-Facebook live naman ang singer para masiguro ang kaniyang mga taga-suporta na maayos ang kanilang kalagayan.

Labis pa rin ang pagpapasalamat ni Jimmy na walang nasaktan sa kanyang pamilya at hindi sila pinabayaan ng Diyos.

Related Chika:
Bitoy pumayag nang mag-taping sa studio ng ‘Bubble Gang’: Malakas na ang loob ko ngayon, vaccinated na ako, may booster pa

‘Biggest TV network’ inakusahan ni Jimmy Bondoc ng pandaraya, sexual harassment

Round 2: Angel Locsin vs Jimmy Bondoc parehong palaban, walang urungan

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending