Jimmy Bondoc, Rowena Guanzon nagsama, netizens napailing

Jimmy Bondoc, Rowena Guanzon nagsama sa isang larawan, netizens napailing

Therese Arceo - March 07, 2025 - 06:35 PM

Jimmy Bondoc, Rowena Guanzon nagsama, netizens napailing

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagsasama ng dating Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon at senatorial aspirant na si Atty. Jimmy Bondoc.

Nag-picture kasi ang dalawa nang magkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon sa isang restaurant.

Agad naman itong ibinandera ni Jimmy sa kanyang Facebook page.

“Magkaiba man ang kulay, iisa ang paniniwala: ‘Huling Marcos na yan sa Malacan̈ang!'” saad niya sa kanyang caption.

Baka Bet Mo:Ogie Diaz binoldyak si Jimmy Bondoc: Naresibuhan, paano yan ngayon?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami naman sa mga netizens ang tila hindi nagustuhan ang pagsasama nina Jimmy at Rowena.

Matatandaang noong nagdaang eleksyon ay nagpakita ng pagsuporta si Guanzon bilang “Kakampink” kina Atty. Leni Robredo at Atty. Kiko Pangilinan.

Hindi raw maganda ang pagsasama nila dahil may mga netizens na nagsasabing sinusuportahan ni Atty. Jimmy ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader at senatorial aspirant na si Apollo Quiboloy.

Agad namang pinalagan ni Atty. Guanzon ang mga paratang ng netizens.

“Grabe kayo, Quiboloy fanatic na agad ako because I posted pic with Jimmy Bondoc na na meet y ko sa restaurant and introduced himself ? Mga judgmental Mental kayi ! Hahahaha sige e delete ko na nga,” saad ni Atty. Guanzon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-post rin siya sa kanyang Facebook page at sinabing itigil na ang cancel culture dahil hindi raw ito nakakabuti.

“Tigilan niyo ako sa mga cancel culture niyo di pa kayo nadala nung 2022 saan tayo pinulot, nalimutan niyo ata na ni-dq ko si BBM at katakot takot na banta at kaso ang kinaharap ko at isa ako sa tumutol sa confidential funds ni Sara Duterte at lahat ng ahensya.

“Sa tanda kong ito, huwag niyo akong ginaganyan. Hindi na pala pwede maging disente sa panahon ngayon? maging abogado ng naghahanap ng serbisyo ko? Dahil ayaw naman natin kumuha ng donation sa druglord at magnanakaw, nung tinapik ni Bam aquino si BBM at umattend si Kiko sa Malacanang, same energy ba ang atake?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending