Rowena Guanzon nagpasalamat sa pagkapanalo ng 2 kasambahay sa kaso laban kay Ruffa: 'Kakampi ako ng mga inaapi, ng mga walang kalaban-laban' | Bandera

Rowena Guanzon nagpasalamat sa pagkapanalo ng 2 kasambahay sa kaso laban kay Ruffa: ‘Kakampi ako ng mga inaapi, ng mga walang kalaban-laban’

Reggee Bonoan - April 04, 2023 - 03:23 PM

Rowena Guanzon nagpasalamat sa pagkapanalo ng 2 kasambahay sa kaso laban kay Ruffa: 'Kakampi ako ng mga inaapi, ng mga walang kalaban-laban'

Rowena Guanzon at Ruffa Gutierrez

NAGPASALAMAT si Atty. Rowena Guanzon, dating commissioner ng Commission on Elections (2015 to 2022) sa pamamagitan ng Twitter matapos manalo ang dalawang kasambahay na nagdemanda kay Ruffa Gutierrez.

Base sa tweet ni Atty. Guanzon nitong Linggo ng gabi, “Salamat sa lahat na tumulong sa dalawang kasambahay na taga-Negros Occidental lalo na sa mga abogado #p3pwdatyourservice.

“Kakampi ako ng mga inaapi, ng mga walang kalaban laban. Mga kaibigan, nanalo sa labor case ang dalawang kasambahay laban kay Ruffa G. #p3pwdatyourservice,” aniya pa sa kanyang tweet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Matatandaang si Atty. Rowena ang tinawagan ng kaibigan niyang nakatira sa parehong village kung saan nakatira si Ruffa dahil nakita niya ang dalawang kasambahay na pinalayas daw ng aktres na tabi ng guard house at hindi malaman ang gagawin.

Idinaan ni Atty. Guanzon through blind item sa Twitter account niya para kunin ang atensyon ni Ruffa noong Hulyo 7, 2022.

Aniya, “My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?”

Baka Bet Mo: ‘Bardagulan’ hirit ni Rowena Guanzon: Pinapasuweldo ko nang maayos ang mga kasambahay namin

At saka pinangalanan na ito ng dating komisyoner, “Ms Ruffa Gutierrez is it true?”

Sumagot na ang aktres na noo’y nagsu-shooting ng pelikula niya sa Viva Films, “Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of ‘Maid In Malacañang’, so my staff had to call security to make sure my children were safe.

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rowena Guanzon (@rowena.guanzon)


“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.

“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG…

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years. We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga. My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po.”

Hanggang sa nawala na ang isyu at hindi na ulit napag-usapan hanggang sa ibinalita ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila nina Mama Loi, Ate Mrena at Tita Jegs na may resolusyon na nga ang kasong isinampa nang dalawang kasambahay na pinagbabayad ang aktres.

Ilang araw na ang nakalipas mula nang ibalita ito nina Ogie at nasulat sa mga pahayagan at online websites ay nananatili pa ring tikom ang bibig ni Ruffa G.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ng aktres o ng sinuman sa kanyang pamilya.

Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Annabelle Rama sa kaaway ni Ruffa: Kung magkuwento ka akala mo CCTV ka! Pwede ba huwag ka maging chismosang Marites!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending