Annabelle Rama sa kaaway ni Ruffa: Kung magkuwento ka akala mo CCTV ka! Pwede ba huwag ka maging chismosang Marites! | Bandera

Annabelle Rama sa kaaway ni Ruffa: Kung magkuwento ka akala mo CCTV ka! Pwede ba huwag ka maging chismosang Marites!

Ervin Santiago |July 11,2022
facebook
share this

Annabelle Rama sa kaaway ni Ruffa: Kung magkuwento ka akala mo CCTV ka! Pwede ba huwag ka maging chismosang Marites!

Ervin Santiago - July 11, 2022 - 03:27 PM

Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama

“HOY Day!!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang Marites?!” Iyan ang matapang na pahayag ng talent manager Annabelle Rama tungkol sa isang personalidad na hindi niya pinangalanan.

Pero base sa mga reaksyon ng netizens, mukhang para nga ito kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon na nakikipagpalitan ngayon ng maaanghang na salita kay Ruffa Gutierrez.

Ito ay may kinalaman sa umano’y pagpapalayas ni Ruffa sa dalawa nilang kasambahay at may chika pa na hindi rin daw pinapasweldo ng aktres at dating beauty queen.

Sa isang tweet ni Guanzon, tinanong niya si Ruffa kung totoo ba ang nasabing report na nakarating sa kanya. Sinagot naman ito ng aktres at pinabulaanan ang akusasyon sa kanya.

Aniya, “Hello Ms. Guanzon, no it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of ‘Maid In Malacañang’, so my staff had to call security to make sure my children were safe.”

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay [nang] wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.

“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG,” aniya pa.

Pero sa naging pahayag ni Ruffa mukhang hindi nagustuhan ni Guanzon na hindi siya tinawag ng aktres na “congresswoman.” Sa mga hindi pa aware, si Guanzon ang number one nominee ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD party-list.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)


Ito may kinalaman nga sa isinampang petisyon ni Duterte Youth Party List Rep. Ducielle Marie Cardema dahil kinukwestiyon nila ang pagiging nominee ni Guanzon ng nasabing party list.

At nito ngang nagdaang Sabado, July 9, nag-tweet uli si Guanzon ng, “That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman’. Hahaha! You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Ruffa ang mensahe ni Guanzon.

Ngayong araw, July 11, nag-post nga si Annabelle Rama ng cryptic message sa kanyang Facebook at Twitter account.

Aniya, “Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!

“Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pinangalanan ng talent manager ang taong tinutukoy niya pero ang hula ng halos lahat ng nagkomento sa tweet ni Annabelle ay para nga ito kay Guanzon.

Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone

Rowena Guanzon: That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman’

Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending